SEPS Online ng Bulacan, wagi ng Best in LGU Empowerment Award sa DGA 2021
- Published on November 9, 2021
- by @peoplesbalita
LUNGSOD NG MALOLOS– Iniuwi ng Socio Economic Profile System (SEPS) Online ng Lalawigan ng Bulacan ang Best in LGU Empowerment Award – Best in Interoperability Award (Province Level) sa ginanap na birtwal na Digital Governance Award 2021 sa pamamagitan ng Zoom noong Oktubre 29, 2021.
Tinanggap ni Gobernador Daniel R. Fernando na kinatawan ni Panlalawigang Tagapangasiwa Antonia Constantino, kasama sina Inh. Rhea Liza Valerio, pinuno ng Provincial Information and Technology Office (PITO) at Officer-In-Charge ng Provincial Planning and Development Office (PPDO) Inh. Randy Po ang parangal mula sa Department of Information and Communications Technology (DICT), Department of the Interior and Local Government (DILG), at National ICT Confederation of the Philippines (NICP).
Ayon kay Constantino, magsisilbing inspirasyon ang parangal para sa patuloy na paglulunsad ng mga solusyon kabilang ang pagbibigay ng mas mabuting serbisyo lalo na sa mga panahon ng pagsubok, at upang maging inklusibo sa lipunan at sa ekonomiya para sa ikabubuti ng mga mamamayan.
“Digital tools and social media have empowered people to widespread access to information and global connection. We, at the Provincial Government of Bulacan, are using technology to be more transparent, accountable and inclusive,” anang Panlalawigang Tagapangasiwa.
Pinasalamatan rin niya ang PITO at PPDO at lahat ng mga kawani nito sa pangunguna para makamit ang isa na namang tagumpay ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan.
Ginawang posible ng SEPS Online para sa parehong pampubliko at pribadong mga institusyon, mananaliksik, mag-aaral, at sa publiko na ma-access ang Socio-Economic Profile ng mga lokalidad ng real time at agaran matapos lamang ang pagsasara ng taon ng SEP sa sistema, kumpara sa luma at kumbensyunal na pamamaraan na karaniwang inaabot ng isang buong taon bago maisapubliko.
Ang DGA ang taunang pagpaparangal sa mga pinakamahusay na kasanayan ng mga lokal na pamahalaan sa paggamit ng information and communications technology (ICT) upang epektibo at episyenteng maiparating ang serbisyo-publiko sa mga mamamayan at mangangalakal.
-
DSWD: 3.2M nakakuha na ng 2nd tranche ng SAP
Tinatayang natanggap na ng 3.2 milyong benepisyaryo ang second tranche ng social amelioration program o SAP, batay sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). “As of July 16, the DSWD has disbursed the emergency subsidy for 3.2 million beneficiaries with an equivalent amount of P19.4 billion,” ani DSWD Undersecretary Danilo Pamonag. “This […]
-
PNP iniimbestigahan na ang umano’y ‘death threat’ kay former senator Bong Bong Marcos
PINAIIMBESTIGAHAN na ng Philippine National Police (PNP) ang umano’y natanggap na death threat ni Presidential aspirant Bong Bong Marcos. Ito ang kinumpirma ni PNP Chief Gen. Dionardo Carlos. Humingi kasi ng tulong mula sa PNP ang kampo ng dating senador hinggil sa umano’y death threat sa kaniya. Ayon kay […]
-
JENNICA, nilinaw na hindi pera ang pinag-awayan nila ni ALWYN
BALIK-GMA Network si Jennica Garcia, pagkatapos ng hiwalayan nila ng dating husband na si Alwyn Uytingco. Hindi raw over money ang pinag-awayan nila, pero dinipensahan niya ang asawa sa pagsasabing, “the good things that I said about how I honor Alwyn up to this day, because he was never materialistic, hardworking and a […]