Serantes bumalik sa pagamutan
- Published on January 22, 2021
- by @peoplesbalita
NAGBALIK sa Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City ang 1988 Seoul Summer Olympic Games men’s boxing bronze medalist na si Leopoldo Serrantes dahil sa dati at matagal na niyang karamdamang pulmonya at sa sakit sa puso.
Pinabatid ng Philippine Sports Commission ang kalagayan ng 58-anyos at may taas na 5-2 na bayani ng mga Pinoy sa quadrennial sportsfest sa pamamagitan ng Twitter nito lang Miyerkoles, Enero 20. Humihiling din ang ahensya sa sports ng gobyerno ng panalangin sa lahat para sa mabilis na paggaling ng retiradong boksingero’t sundalo.
Nakikipagtalastasan naman si Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) secretary-general Edgar Genaro ‘Ed’ Picson sa PSC para makakuha ng pinansiyal na tulong para kay Serrantes na minsan na ring naratay at nakapanayam ng sumulat na ito sa naturang ospital, ilang taon pa lang ang nakararaan.
Kinopo niya ang medalyang tanso sa Seoul nang matalo sa semifinals kay Ivailo Khristov ng Bulgaria sa desisyon 5-0.
Dinaig niya sa quarterfinals si Mahjoub Mjirish ng Morocco sa referee stop contest, third round; si Sammy Stewart ng Liberia sa Round of 16, 5-0, at si Hassan Mustafa ng Egypt sa second round ng RSC sa Last 32 tapos mag-bye sa Round of 64.(REC)
-
Pfizer vaccines na mula sa Covax facility, hindi maaaring ibigay sa mga hindi kabilang sa indigent population
HINDI maaaring ibigay sa mga hindi kabilang sa indigent population ang Pfizer vaccines na mula sa Covax facility. Sinabi ni Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez na malinaw ang direktibang ibinigay ng Covax facility at ni Pang. Rodrigo Duterte ukol sa mga dapat na mabigyan ng bakuna na mula sa Pfizer na nasa ilalim ng […]
-
After nang nagawang dramatic scenes at pagpapa-sexy: CINDY, masaya dahil natupad ang wish na makapag-action sa 10-part series na ‘Iskandalo’
MASAYA ang former beauty queen na si Cindy Miranda dahil sa 10-part Vivamax Original series na Iskandalo natupad ang isa sa pangarap na niya na makapag-action. Napatunayan niya na kayang maitawid nang maayos ang mga dramatic scenes bukod pa sa ginawa niyang pagpapa-sexy. Gumaganap kasi si Cindy na isang lady cop na mag-iimbestiga sa pagkamatay ng […]
-
ROW problema sa MMSP at NSCR
NAGBUO ang pamahalaan ng isang interagency committee na siyang magreresolba sa problema sa Right-of-Way (ROW) sa ginawagang Metro Manila Subway Project (MMSP) at North-South Commuter Railway (NSCR). Nagkakaron ng mga delays sa ginagawang konstruksyon ng nasabing dalawang railway projects dahil sa problema sa ROW. May maapektuhan na 40 kabahayan sa ginagawang […]