• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SERBISYO SA KALUSUGAN NG BANSA, HAMON NG SIMBAHAN

HINAMON ng simbahan ang pamahalaan na tutukan ang pagpapaayos ng serbisyo ng kalusugan ng bansa.

 

 

Ayon kay Fr. Dan Cancino, MI, executive secretary ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care, dapat paglaanan ng pondo para sa sektor ng kalusugan ng Pilipinas lalo na sa mga mahihirap.

 

 

Ito ay bunsod sa isyu ng pagsasapribado ng mga ospital na bagamat mas mapapaganda ang serbisyo at mga pasilidad ay kaakibat naman ang pagtaas ng presyo sa mga serbisyo na pagsasantabi sa mga mahihirap.

 

 

“Kaya itong privitization na ‘to kahit na dati pa, ang simbahan, ang advocacy ay mas pag-igtingin ng ating gobyerno ‘yung ating mga public health services. I-improve n’ya ‘to, gawin itong mas accessible at mas available lalong-lalo na sa mahihirap,” pahayag ni Fr. Cancino sa panayam ng Radio Veritas.

 

 

Dagdag pa nito na ibilang sa layuning pagpapabuti sa healthcare sector ng bansa ang pagpapagaling sa mga pasyente sa halip na kita.

 

 

“Kung titingnan natin, meron pang pwedeng gawin. At itong privitization ng ating mga hospitals, kailangang dapat hindi iilan lang ang mga nag-uusap dito. Dapat i-consult ang lipunan, mga komunidad, mga may karamdaman, kasi sila ay hindi lang beneficiary pero kaakibat sila doon sa buong health care system natin,” saad ni Fr. Cancino.

 

 

Taong 2019 nang lagdaan ng dating Pangulong Rodrigo Duterte na maging batas ang Universal Health Care Law na inaasahang magbubunga ng malawakang pagbabago sa public health sector ng bansa.

 

 

Suportado ng simbahan ang bawat layunin at adhikain ng pamahalaan lalo na sa pagpapabuti sa sektor ng kalusugan ng bansa para sa kapakanan ng nakararami lalo’t higit ang mga nasa mahihirap na sektor ng lipunan. GENE ADSUARA

Other News
  • Pagbibitiw ni Duque iginiit

    Lumusob noong Miyerkoles ng umaga ang daan-daang healthcare workers na kaanib ng Alliance of Health Workers at Filipino Nurses United (FNU) sa harap ng head office ng Department of Health (DOH) sa Rizal Avenue, Maynila at nanawagan sa pagbibitiw ni Secretary Francisco Duque III.     Pasado 10:00 ng umaga, unang nagtipun-tipon ang mga health […]

  • Hirit ng transport groups, pinagpupulungan na- Roque

    KASALUKUYAN nang pinagpupulungan ng pamahalaan ang panawagan ng transport groups na pagsuspinde sa excise tax, vat sa fuel products kasunod ng 8 sunud-sunod na linggo ng oil price hike?   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, “as we speak po, pinagpupulungan na itong bagay na ito noh? Kinukunsidera po ang parehong proposals. So, government is […]

  • Pahayag ni Pope Francis sa same-sex union, taken out of context

    WALANG binabagong batas ng simbahan si Pope Francis sa usapin ng same sex marriage.   Ito ang pahayag nina Veritas Pilipinas anchor priests Fr. Emmanuel Alfonso SJ, Executive director ng Jesuits Communication at Msgr. Pepe Quitorio kaugnay sa mga ulat na pinapayagan ng Santo Papa ang pag-iisang dibdib ng parehong kasarian.   Ipinaliwanag ni Msgr. […]