• April 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Serbisyong tapat at totoo itutuloy ni Mayor Honey

TINIYAK ni Manila Mayor Honey Lacuna sa harap ng Simbahan at mahigit 12,000 taga-suporta  na kanyang  itutuloy ang naumpisahang serbisyo para sa Manilenyo na “tapat, totoo, hindi korap, hindi manloloko at hindi kailanman mang-iiwan.”
Ani Lacuna, ito ang prinsipyong ipagpapatuloy niya at ng buong Asenso Manileño sa isang pangako na kanilang binitiwan sa harap ng   Loreto Church sa  Sampaloc,  kung saan niya pinangunahan ang buong tiket ng Asenso Manileño bilang pagsisimula ng kampanya nila nitong Biyernes sa pamamagitan ng isang proclamation rally na isinagawa sa Earnshaw,  kung saan napuno maging ang mga katabing kalye at iskinita doon.
“Sa harap mismo ng Simbahan ng Loreto, mangangako tayo  na sa ating pamilya, walang iwanan! Dahil ang nang-iiwan sa pamilya, ay nang-iiwan sa samba­yanan! Napakarami na nating nagawa at hindi tayo papayag na ang mga ito’y maliitin o insultuhin, ninuman. Hindi man perpekto, ang Maynila natin, hindi  rin ito dugyot.  Ang Maynila natin ay puno ng pangako at pag-asa,” pahayag ni Lacuna.
Pinamumunuan nI Lacuna ang Asenso Manileño na muling idineklara ng Commission on Elections (Comelec) bilang nangingibabaw na partido sa Maynila, kung saan kasama niya si incumbent Vice Mayor Yul Servo, lima sa anim na  incumbent Congressmen at  majo­rity ng mga miyembro ng Manila City Council, na pawang tumatakbo sa ilalim ng ticket ni Lacuna. Ang limang incumbent Congressmen ay sina Congressman Rolan Valeriano (2nd district), Congressman Joel Chua (3rd district), Congressman Edward Maceda (4th district), Congressman Irwin Tieng (5th district) at Congressman Benny Abante, Jr. (6th district). Ang ikaanim na Congressman ay kinumpleto ng nagbabalik na first district Congressman Manny Lopez, anak ni dating Mayor Mel Lopez, Jr.,  habang si Dr. Giselle Maceda ang hahalili kay Rep. Edward na matatapos ang ikatlong termino sa Hunyo.
Hiniing ng alkalde sa mga residente na manati­ling nagkakaisa sa likod ng pamilya Asenso Manileño sa pagtataguyod ng  mabuting prinsipyo, mabu­ting asal at pag-uugali at dangal, pagdating sa pamamahala ng lungsod.
Other News
  • Dallas, dumanas ng 24-point loss sa kamay ng Warriors

    TINAMBAKAN ng Golden State Warriors ang Dallas Mavericks ng 24 big points, sa tulong ng 30-point performance ni NBA superstar Stephen Curry. Hindi pinaporma ng GS ang Dallas kung saan sa unang quarter pa lamang ang nagbuhos na ang koponan ng 33 points kontra sa 18 points ng Mavs. Lalo pa itong tumaas hanggang sa naabot […]

  • Wagi ng dalawang special awards: JILLIAN, apat ang naging escort sa ‘GMA Gala 2023’

    ANG bongga naman ni Kapuso Teen actress Jillian Ward, nang mag-attend siya ng GMA Gala 2023 sa Marriot Hotel last Saturday, July 22.       Sa halip kasing isa lamang ang escort niya, isinama niya lahat ang mga boys na kasama niya sa GMA Afteernoon drama series nilang “Abot-Kamay na Pangarap,” sina Ken Chan, mga […]

  • P19B pondo ng NTF-ELCAC, hindi ginamit sa campaign propaganda-Badoy

    IGINIT ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na hindi ginamit sa campaign propaganda ang P19-bilyong kabuuang budget nito.   Binigyang diin ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Undersecretary Lorraine Marie Badoy, isa ring tagapagsalita ng NTF-ELCAC na ginamit ang nasabing pondo sa pagpapa-unlad ng mahigit sa 800 barangays na “cleared […]