• January 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sexually transmitted infections, tinawag na ‘silent epidemic’

LUNGSOD NG MALOLOS– Sa ikatlong serye ng YouthTube o Youth Talakayan, Ugnayan, Balitaan Etc., tinalakay ang Sexually Transmitted Infections upang matulungan ang mga kabataan na magkaroon ng maalam at tamang pananaw sa pagkakaroon ng malusog na pamumuhay sa ginanap na online na programa kasama ang mga pangulo ng Sangguniang Kabataan sa lalawigan kamakailan.

 

Ito ay bilang tugon na rin sa direktiba ni Gob. Daniel R. Fernando na magkaroon ng mga programa na aabot at makapagbibigay kaalaman sa mga Bulakenyo kahit may pandemya.

 

“We felt this need of educating the youth about having a healthy relationship and life. Social awareness is important not only for ourselves but also to be able to pass on the knowledge to our peers, family and community as active advocate of healthy life,” ani Fernando.

 

Kaugnay nito sinabi naman ni Abgd. Kenneth Ocampo-Lantin, pinuno ng Provincial Youth, Sports, and Public Employment Service Office (PYSPESO) na “We should be comfortable discussing sex and its implications, we should be responsible of our health and the people that could be affected by our choices and actions, we answer not only to ourselves”.

 

Samantala, tinalakay ni Dr. Francis Carlos, HIV/AIDS Core Team Leader-Bulacan Medical Center, ang mga karaniwang STI na maaaring makuha sa iresponsableng pakikipagtalik gaya ng bacteria, virus, protozoa, fungi at skin parasites at mga karaniwang sintomas tulad ng sobrang sakit kapag umiihi, matinding pangangati, kakaiba at mabahong likido at sakit na nararamdaman kapag nakikipagtalik at marami pang iba.

 

Ayon sa datos mula sa Department of Health, sa lahat ng STI, HIV ang pinakakilala at may 78,539 na ang naitalang kaso mula Enero 1984 hanggang sa kasalukuyan na karaniwan nasa edad 15-34.

 

Sa Bulacan, may 2,729 na kaso ang naitala kung saan mula sa Lungsod ng San Jose del Monte ang pinakamataas na may 507, at sa mga ito, pinakamataas na dahilan kung paanong naipapasa ang HIV ang lalaki sa lalaking paraan ng pakikipagtalik na may 60 na porsyento habang 22 na porsyento ang dahilan ng pakikipagtalik sa parehong kasarian.

 

Dagdag pa ni Carlos na kung sa palagay ng isang tao na siya ay na-expose, maaari siyang magpasuri ng libre at ito ay kusang loob at kumpidensyal.

 

Tinapos niya ang presentasyon sa pamamagitan ng pagpapaliwanag ng ABCDE kung paano maiiwasan ang STI na Abstinence, Be monogamous, Correct and consistent use of condom, Do not inject drugs and Educate and early detection.

 

Bukod dito, sinabi ni Bryant Villanueva mula sa DepEd Bulacan na isinasama nila ang adolescent reproductive health program sa mga paaralan at nagtayo ng mga teen center sa mga paaralang pangsekondarya para sa peer to peer discussion bilang tugon.

 

Gayundin, ibinahagi ni Katherine Faustino mula sa Provincial Social Welfare and Development Office na patuloy na nagsasagawa ang pamahalaang panlalawigan ng mga seminar upang talakayin ang isyu at sinabing mayroon silang programa na Teen Talks kung saan maaaring tumawag ang mga kabataan sa kanilang hotline number na 09162348154.

 

Sinabi rin niya na sa kasalukuyan, may pitong aktibong treatment hub facilities sa Bulacan kabilang ang Luntiang Silong sa Bulacan Medical Center na nasa ikatlong palapag, Pay 3 – Room 301 sa Brgy. Mojon; EmbrACE Unit sa ACE Medical Center, Baliwag; Gintong Kanlungan sa Guiguinto RHU II sa Brgy. Tiaong, Guiguinto; Kanaryong Silungan sa Marilao RHU I; Home of Bam- boo sa Lungsod ng Meycauayan RHU I; Villa Ezperanza sa Ospital ng Lungsod ng San Jose Del Monte at Green Clinic sa Santa Maria RHU sa Caypombo, Santa Maria. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • NAVOTAS NANGUNA SA MANILA BAY REHAB PROGRAM

    Tumanggap ng pagkilala ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas matapos itong manguna sa pagpapatupad ng Manila Bay Clean up, Rehabilitation and Preservation Program (MBCRPP).     Sa iskor na 96.7%, tinanghal ang Navotas na 2020 Most Compliant Local Government Unit sa pagpapatupad ng Korte Suprema na patuloy na mandamus sa pagpapanatili ng kalinisan sa Manila Bay. […]

  • House painter kulong sa P115K droga sa Caloocan

    REHAS na bakal ang kinasadlakan ng 48-amyos na house painter na sangkot umano sa ilegal ba droga matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyong halaga ng shabu sa Caloocan City.     Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong suspek na si alyas “Remuel”, ng Ph8ABlk 171  Lot 3 Pkg 12, Bagong Silang. […]

  • Napiling maging host ng ’71st Miss World’: MEGAN, muling iwawagayway ang bandera ng Pilipinas

    MULING iwawagayway ni Megan Young ang bandera ng Pilipinas dahil siya ang napiling maging host ng 71st Miss World.     Idaraos ang nasabing prestigious beauty competition sa Jio World Convention Center sa Mumbai, India sa Sabado, March 9.     May post ang Miss World Organization at kinilala ang husay ni Megan (na nanalong […]