Sharapova nagretiro, goodbye tennis na
- Published on February 28, 2020
- by @peoplesbalita
“PLEASE forgive me. Tennis—I’m saying goodbye.”
Ito ang maramdaming pamamaalam ni Maria Sharapova sa sport na minahal sa kanyang kolum sa Vogue at Vanity Fair.
Tuluyan nang bibitawan ni tennis superstar ang paghawak sa raketa nang ianunsyo nito ang kanyang pagreretiro.
Nabuhay sa mundo ng tennis si Sharapova. Pero sa kabila ng 28-taong pamamayagpag at pagsungkit ng limang Grand Slam title, ibang kabanata naman ang gustong harapin ngayon ng 32-anyos na tennis star.
“Tennis showed me the world—and it showed me what I was made of. It’s how I tested myself and how I measured my growth,” may ngiti sa labing pagsiwalat ni Sharapova.
Anuman daw ngayon ang tatahakin o haharaping bundok handa niya itong akyatin.
“And so in whatever I might choose for my next chapter, my next mountain, I’ll still be pushing. I’ll still be climbing. I’ll still be growing,” paniniyak nito sa publiko.
Nasa ranked 373 na ngayon ang dating Russian world number 1 makaraang bumaba na rin ang kanyang performance sa nakaraang malalaking torneyo.
Gumawa ng sariling pangalan si Sharapova nang maabot nito ang Wimbledon title taong 2004 sa edad 17. Taong 2005, naging world’s No. 1 ito.
Pero nabura ang pagiging dating Russian world number 1 nito nang lumamya ang performance nito sa malalaking torneyo hanggang sa umabot na lang sa ranked 373.
Nadungisan din ang mabango niyang pangalan nang masangkot siya at magpositibo sa drug test sa Australian Open taong 2016 at mapatawan ng 15-month ban.
-
‘Balik Probinsya’ ipinakilala ang bagong website, application process
INANUNSYO ng Balik Probinsya, Bagong Pag-Asa (BP2) program na opisyal na papalitan na nito ang kanyang website sa www.balikprobinsya.nha.gov.ph simula Abril 22, kung saan ay hindi na magiging available ang kasalukuyang www.balikprobinsya.ph Sa ilalim ng bagong sistema, mapabibilis ng gobyerno ang aplikasyon para sa BP2 program sa tatlong paraan: “through the applicants’ respective […]
-
Caloocan City Jail naka-heightened alert dahil sa riot
SINIBAK na sa pwesto ang Jail Superintendent ng Caloocan City Jail, matapos ang madugong riot na ikinasawi ng anim na preso at 33 ang sugatan. Ayon kay BJMP Spokesperson JSupt. Xavier Solda nag assume na ngayong araw bilang Officer-in-Charge ng pasilidad si Jail Superintendent Lloyd Gonzaga matapos alisin sa pwesto si Jail Superintendent […]
-
Tapales WBC Asian Continental champion
PINATUNAYAN ni two-division world champion Marlon Tapales na may ibubuga pa ito matapos magtala ng first-round knockout win para makuha ang WBC Asian Continental super bantamweight title sa labang ginanap sa Midas Hotel and Casino sa Pasay City. Mabibigat na suntok ang pinakawalan ni Tapales para mabilis na tapusin si Nattapong Jankaew […]