• July 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SHARON, inunahan na agad ang mga bashers na walang in-edit sa latest photo na pinost

ILANG araw nang pinag-uusapan ang latest photo ni Megastar Sharon Cuneta sa kanyang Instagram.

 

 

Marami talagang napa-wow at nag-react na pumayat talaga siya na kitang-kita naman sa kanyang pinost na may caption na, “Just got home from work. Thank You, Lord for a wonderful taping day!”

 

 

Kasama ang hashtag na #noeditinghuwaw, na parang inunahan na ang kanyang mga bashers, dahil pinaghirapan talaga niya ang kanyang stunning figure.

 

 

Last January, nanggulat din si Sharon nang ipost sa IG ang photo na naka-swimsuit habang nasa swimming pool, na kitang nagsimula nang mabawasan ang kanyang timbang.

 

 

Bukod sa kanyang fans and followers, hindi rin napigilang mag-comment ng mga showbiz friends niya.

 

 

Of course, nag-comment din ang asawa niyang si Sen. Kiko Pangilinan ng, “Hi sexy.”

 

 

Pati ang anak niyang si Frankie Pangilinan at nag-comment in bold letters na, “PLEASE THIS IS THE CUTEST THING IVE EVER SEEN IN MY LIFE.”

 

 

“GO QUEEN HAVE YOUR COFFEE.”

 

 

Sagot naman ni Sharon, “@frankiepangilinan With lots of milk! You know that right?!”

 

 

Narito naman ang naging comment ng nina Pops Fernandez: “You look great!”,

 

 

Ara Mina: “That’s my Ate. So sexy na.”

 

 

Alex Gonzaga, “Sexy!!!!!.” Mariel Rodriguez-Padilla: “Beautiful,” Rica Peralejo: “Awow ANG GANDA.” Jackielou Blanco: “Looking great mama!!!”, Jaya: ”So happy to see you earlier!!! You look amazing!”, at Franco Laurel: “In fighting form! Wow!!!!!”

 

 

Say naman ni Jed Madela, “Super happy to see you today, Ate Shawie!!”

 

 

At nag-reply naman si Sharon ng, “@jedmadelaofficial Me too my Jeddy! You have no idea how much I missed us all together! I love you!”

 

 

Samantala, nagsimula na ang reality talent competition na Your Face Sounds Familiar last Saturday and Sunday na kung saan balik sa pagiging hurado si Sharon at kasama pa rin sina Gary Valenciano at Ogie Alcasid.

 

 

Ang ten celebrities na maglalaban-laban sa new season ng YFSF ay sina Geneva Cruz, Jhong Hilario, Klarisse de Guzman, Christian Bables, CJ Navato, Vivoree Esclito, Lie Reposposa, at ang iDolls trio na sina Lucas Garcia, Matty Juniosa, at Enzo Almario. (ROHN ROMULO)

Other News
  • Bong Go: Government vaccination vs tigdas, pertussis suportahan

    UMAPELA si Senador Christopher “Bong” Go sa mga magulang na suportahan at makipagtulungan sa programa ng gobyerno na pagbabakuna upang maprotektahan ang kanilang mga anak mula sa iba’t ibang sakit.     Ito ay sa gitna ng mga ulat na pagtaas ng kaso ng tigdas sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at pertussis […]

  • PATAFA ‘di muna sisibakin si EJ sa national team

    Pinakinggan ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) ang kahilingan ng Philippine Sports Commission (PSC) at ng Malacañang para maresolbahan ang kanilang isyu kay national pole vaulter Ernest John Obiena.     Sa kanyang sulat kay PSC chief William ‘Butch’ Ramirez ay sinabi ni PATAFA chairman Rufus Rodriguez na ipagpapaliban nila ang pagsibak kay […]

  • SARAH, pinalalagay na ‘preggy’ dahil sa IG post ni MATTEO na pinag-iisipan bumili ng family SUV

    MARAMING nag-react sa IG post ni Matteo Guidicelli sa nilagay niyang caption na, “I’m thinking of getting a new family SUV.”     At tulad ng inaasahan, advance na mag-isip ang netizens na base sa post ni Matt ay pinalalagay nilang baka ‘preggy’ na si Sarah Geronimo-Guidicelli.     Comment nila sa post ni Matteo na […]