• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SHARON, isiniwalat na si PARK HYUNG SIK ang bagong kinahuhumalingan na Korean actor

HINDI na naman nakapagpigil si Megastar Sharon Cuneta na patulan ang isang basher na nag-comment sa IG post niya humihingi ng tulong at suhestyon sa ating mga kakabayan.     

 

 

Sabi ng basher, “Share mo na lang kaya ang blessings mo sa mga apektado yung walang camera ha…”

 

 

Kaya naman hindi ito pinalampas ni Mega dahil mukhang walang kaalam-alam ang basher sa mga nagawa at naitulong ng kanyang pamilya sa mga nangangailangan lalo na ngayong panahon ng pandemya.

 

 

Sagot ni Sharon sa basher, “Nananawagan nga ako sa ibang gusto ding tumulong. Ang dami mong hindi alam sa mga nagawa ko na at ng pamilya ko, pati mga anak ko nag-aambag mula sa ipon pati alkansya.

 

 

Ang na “camera” gaya ng sabi mo at naisulat na ay kakaunting % lang ng alam ng Panginoong naitulong…” “namin ng galing sa puso at walang nakakaalam. Beside, KAILANGAN namin ipaalam ang napaalam na dahil humihingi din kaming tulong mula sa iba na nagpapakitang kung kami ay may naitulong, sana sila/kayo rin.    “Yon LANG ang dahilan ng pinapaalam sa publiko. Di na namin kailangan ng puri o sikat, nagbabawas pa baka puwede.”

 

 

Anyway, may pampa-good vibes na post si Sharon na kung saan sa isiniwalat niya ang bagong kinahuhumalingan na Korean actor.

 

 

Pinost nga niya ang photo at may caption na, OKAY OKAY I HAVE A NEW “CRUSH!” In L.A. I binged on everything Cha Eun Woo. But now I am super fixated on PARK HYUNG SIK! Lahat na yata pati videos niya with his former boy band napanood ko na!

 

 

But paulit-ulit kong pinapanood ang STRONG GIRL Bong SOON kasi doon ang favorite kong role niya! Pampasaya talaga! Also loved him in the movie JUROR 8! He was critically acclaimed for his performance there too!

 

 

Pagpapatuloy pa ni Mega, When I told Kakie about Cha Eun Woo, sabi agad niya, “Mom!!! He’s only three years older than me!” Hahahahahaha! Kala mo naman magiging stepfather niya kung rumeact! Sabi ko, “Why ba?!!! It’s not like I’ll boypren or marry him! I crush him lang relax!” Hahahaha!

 

 

Ito namang si Hyung Sik, Nov.16,1991 ang birthday. Eh mag-uumpisa na ang shooting ng “Maging Sino Ka Man” noon in less than 2 months at kaka-break lang namin ng boyfriend ko nun! Ngek! Bakit ba basta he’s my crushie now. Read my bio he’s been there for a while now too! I don’t choose my crushes by age, do you?

 

 

I still love Keanu and Antonio Banderas! Basta for now, Park Hyung Sik!!! Sabi nga sa Korea, “FIGHTING!” Hahahaha! GV only!

 

 

Samantala, after a week number one pa rin sa Vivamax ang Revirginized na mula sa Viva Films.

 

 

Ang Vivamax ay streaming na Middle East & Europe, Japan, Malaysia, Hong Kong, at Singapore bumili lang ng ticket sa KTX.ph, iWant TFC, TFC IPTV, and SKY PPV! U.S. and Canada please take note! IWant TFC is your platform!

 

 

Sa August 27 puwede na rin ito mapanood ng mga Cignal subscribers.

 

 

Ang Revirginized na mula sa direksyon ni Darryl Yap ang kauna-unahang Pinoy movie na mapapanood ngayong 2021 sa selected US and Canada cinemas, simula ngayong araw, August 13.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Bianca balik-LPGA na

    NAKATAKDA nang bumalik sa Estados Unidos si Bianca Pagdanganan sa susunod na lingo para ipagpatuloy ang ikalawa niyang taong kampanya sa 72nd Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour 2021.     Makikipagpaligsahan ang 23-anyos,may taas na 5-4, at tubong Quezon City at pambato ng mga Pinoy sa 34 na may 35 yugto sa pangunahing torneo […]

  • Pagbubukas ng sinehan, arcade kinansela ng Metro Mayors

    Nagpasya ang mga alkalde sa National Capital Region na suspendihin pansamantala ang operasyon ng mga sinehan at amusement arcades sa gitna ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.     Sinabi kahapon ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos na may resolusyong ilalabas ukol dito na lalagdaan ng Metro mayors ngayong Lunes (Marso […]

  • Medical Assistance for Indigent and Financially-Incapacitated Patients (MAIP) umakyat sa ₱58 billion ngayong 2024

    TUMAAS ng 78% o P58 bilyon ang Medical Assistance for Indigent and Financially-Incapacitated Patients (MAIP) ngayong taon ng 2024.     Ang MAIP ay isang national initiative na naglalayong magbigay ng tulong pinansiyal para sa mga  underprivileged patient.     Matatandaan na umabot lamang sa ₱32.6 billion budgetary provision sa 2023 General Appropriations Act (GAA). […]