• March 20, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SHARON, nag-breakdown at halos sumuko na ngayong naka-life support na si TITA FANNY; ‘di puwedeng makita, mayakap at mahalikan

SA IG post ni Megastar Sharon Cuneta last Wednesday, March 24, ramdam na ramdam talaga ang bigat na nararamdaman nang makarating sa kanya ang balitang naka-life support na ang kaibigan at nanay-nanayan sa showbiz na si Fanny Serrano na kilala rin bilang TF(Tita Fanny).

 

 

Nauna ngang ibinihagi ni Sharon ang nakalulungkot na balita sa isang video clip nang magkaroon ng ‘massive stroke’ ang sikat na stylist at make-up artist ng mga stars noong March 16, na kung saan hindi talaga niya napigilang umiyak at nakiusap na ipagdasal ang pinakamamahal na si TF.

 

 

Panimulang post ni Sharon,HINDI KO NA KAYA. Tita Fanny is now on life support…meaning, without all the machines connected to him, he would no longer be able to breathe on his own…I do not know what to do with myself…TF, I promised you years ago that I would take care of you until the end… I think I have kept that promise.

 

 

Sa pagpapatuloy ni Mega, But THIS IS NOT the end I want for you…I know it is all God’s call and His decision, but I wish you weren’t in this situation. I truly have no words to say…there are just no words for how painful this is for me and the others who love you…

 

 

Bakit naman ni hindi tayo puede magkita ngayon pa? Puede mo ba ako hintayin na mayakap at mahalikan at ipaalala sayo gaano kita kamahal? Para na kitang Nanay…I love you so much…

 

 

Tanong pa niya, Bakit naman right after Rocky’s passing ikaw naman ang nasa peligro agad ngayon..?

 

 

Bakit ba yung mga pinakamahal ko o tumatak sa puso ko, kayo ang umiiwan sa akin in these past couple of years lang? PAGOD NA PAGOD NA AKONG NAWAWALAN NG MAHAL SA BUHAY.

 

 

Huwag muna po sana, Lord…

 

 

Agad namang nag-comment sa post niya ang mga kaibigang celebrities at followers na nalulungkot din sa sinapit ni TF at nagpakita ng suporta sa pinagdadaanan ni Sharon ngayon, at sasamahan din sa pagdarasal na sana’y malampasan ni Tita Fanny ang matinding pagsubok.

 

 

Kabilang nga dito sina Judy Ann Santos, Zsa Zsa Padilla, Pops Fernandez, Carmina Villarroel, Jackie Lou Blanco, Ogie Alcasid, Jed Madela, Rosanna Roces, Sunshine Cruz, Dingdong Avanzado, Manilyn Reynes, at marami pang iba. (ROHN ROMULO)

Other News
  • Crawford hinamon si Pacquiao matapos ang panalo kay Brook

    Umaasa si WBO welterweight champion Terence Crawford na matutuloy na ang laban ni Manny Pacquiao.   Ito ay matapos na magwagi si Crawford sa pamamagitan ng knockout laban kay Kell Brook.   Dahil sa panalo ay mayroon na itong 37 panalo na walang talo na mayroong 28 knockouts.   Sinabi ni Crawford na matagal na […]

  • Semis berth nasikwat ng Cool Smashers

    DALAWANG sunod na puntos ang pinakawalan ni middle blocker Ced Domingo sa huling sandali ng laro upang buhatin ang Creamline sa 25-23, 20-25, 25-12, 32-30 pukpukang panalo laban sa Chery Tiggo sa Premier Volleyball League Reinforced Confe­rence kahapon sa Sta. Rosa Sports Complex sa Laguna.     Napanatili ng Cool Smashers ang rekord nito para […]

  • Movie nina Paulo at Charlie, nag-number one pero wala pang figures na nilalabas; 47th MMFF, masasabing ‘di nagtagumpay

    THE 47th Metro Manila Film Festival officially ended on January 7 pero wala pang announcement ang MMFF Execom kung kumita ba ang festival na ang entries ay napanood via streaming sa Upstream and Gmovies.   Kung hindi naging virtual ang panonood ng MMFF entries at pwede manood sa sinehan, tiyak na yung entries sa MMFF na […]