• March 26, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SHARON, nagpaliwanag kung bakit kailangang i-post ang pagsakay sa private plane at chopper para dalawin si FRANKIE

PINOST ni Megastar Sharon Cuneta ang video habang nasa private plane sila papuntang New York para sa bisitahin ang kanyang daughter na si Frankie Pangalinan.

 

 

Caption niya, “On my way to New York this morning to surprise KAKIE!!!

 

“Doc Noel’s birthday celebration continues in New York, and praise God for Noel because he flies his friends wherever he wants! So I got to fly private again for the first time in years & slept so well for about 4 hrs.!!!

 

 

“And I still would’ve come to NY for my girl even if I’d had to fly with a bird!”

 

 

Sa sumunod na IG post ni Sharon siguradong may mamba-bash na naman ay nakasakay na sila sa pang-rich na chopper matapos nilang lumapag sa New Jersey at papunta sila ng Manhattan.

 

 

Caption ni Mega, “Plane lands in New Jersey, and we are flown by chopper to Manhattan! Woooow! Thanks so much again, Docs Noel & Filippo for flying us to NY!  (P.S. proud that on my Burgundy Birkin, my “horse” is Philippine-made by the one and only @zarahjuan !!!)”

 

 

Dagdag pa ng mommy nina KC Concepcion, “@zarahjuan Remember all the things I bought from you last? I was gonna surprise you sana by using them all in my nawalang Hollywood/Jokoy movie.

 

 

“Never mind will use them na lang elsewhere! Mabuhay ka @zarahjuan for making us proud with all your fashionable All-Pinoy bags, slippers, etc., etc., etc.!!!”

 

 

Pinost din niya ang video na naglalakad papunta nga sa chopper habang bitbit ang kanyang isa sa fave luxury bag na Burgundy Birkin, na tiyak na pagdidiskitahan na naman ng netizens.

 

 

Caption ni Sharon na nag-I-explain kung bakit kailangan niya itong I-post.

 

 

“Plane to chopper.

 

 

“And I need to buy new clothes cos mine now are falling off me na! (Di ko ho ipopost ito kundi nalibre lang po kami ng mga kaibigan namin mag private plane at chopper. Jusko kung ako nagbayad lahat ng ito di nyo na nakita pics.”

 

 

Dagdag pa niya, “Nabanggit ko rin lang na I need to buy new clothes kasi nalalaglag na ang mga damit ko, as an afterthought. Hindi ako sumakay ng chopper at plane para lang mamili ng damit.      “Sorry po sa karamihan sa inyo na madaling makaintindi at naabala pa kayo ng explanation para sa mga di alam yata ang nangyayari at lalong hindi kilala ang ugali at puso ko.”

 

 

Infairness, ang laki na nga ng pinayat ni Sharon na kahit si Martin Nievera na nang magkita sila ay gulat na gulat din, kaya kailangan na talaga niyang mamili ng damit.

 

 

Anyway, kahit na ano namang I-post ni Sharon, meron at meron talagang mamba-bash kaya in a way, expected na niya ‘yun at hindi magugulat.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • ‘Kontrabida’ ni NORA, puwedeng pag-isipan na isali na lang sa Metro Manila Film Festival

    AFTER getting good reviews sa huling primetime show niyang The Lost Recipe, sa Afternoon Prime naman magpapakitang gilas si Kelvin Miranda.     Bida si Kelvin sa Loving Miss Brigette kung saan ka-partner niya ang bagong Kapuso star na si Beauty Gonzalez.     Kahit na baguhan, kinakitaan ng passion at enthusiasm to act si […]

  • Pacquiao nagpakitang gilas sa huling sparring session bago ang laban vs Ugas

    Tapos na ang anim na linggong training camp ni boxing champ Manny Pacquiao para sa kaabang-abang na laban nito sa susunod na linggo.     Kahapon, apat na rounds ang ginugol ng tinaguriang fighting senator sa sparring session nito kay Abrahan Lopez.     Kinailangan ni Pacquiao ang presensya ni Lopez matapos na hindi natuloy […]

  • Nag-enroll para sa pasukan ngayong school year nasa 22.5-M na – DepEd

    PUMALO na sa 22.5 million ang mga nag-enroll bago ang pagbubukas ng klase sa Oktubre 5.   Ayon kay DepEd USec. Tonisito Umali, ang naturang bilang ay 99.68 percent na bilang na nakuha mula sa school year 2019 -2020.   Aniya, nasa 2.5 hanggang 3.5 milyong estudyente naman ang hindi nakapag-enroll ngayong school year 2020 […]