SHARON, pinost ang photo nila ni GABBY kasama ang mga batang partner at game na sa balik-tambalan; hinihintay din si MARICEL na pumayag sa movie nila
- Published on March 11, 2021
- by @peoplesbalita
KAALIW na naman ang pinost ni Megastar Sharon Cuneta sa kanyang Instagram account na kung saan pinagtabi ang photo na kasama niya si Marco Gumabao para sa movie na Revirginized at si Gabby Concepcion na kasama naman si Sanya Lopez para sa GMA series na First Yaya.
Caption ni Mega, “And you, Kitina’s Papi! Kala mo ikaw lang may batang partner ha?! Game ka na ba?! @concepciongabby Ako walang kaproble-problema. You na lang hinihintay ng bansa!”
Agad naman nag-react ang kanyang followers na sabik na sabik kung kailan ba matutuloy ang reunion movie nila ni Gabby, na sa taong ito ay magpo-40 years na ang kanilang loveteam. Ang bongga lang, pag nangyari ngayong 2021 ang kanilang muling pagtatambal, tiyak na malaking selebrasyon ito.
Ilan naman sa naging reaction ng netizens:
“Tita Shawie hayaan mo na yang si Gabby. Parang ang mature nga niya don sa kapartner niya sa Yaya serye.”
“Big hit tong My First Yaya ng GMA7. Tease pa Ms. Sharon free promo ng serye ni Sir Gabby.”
“Tita Shawie, move on na po pls lang. Carebears na sayo c Papa Gabby. Wag mo na po ipilit ang pagpapapampam. D ka na po teenager. Lol.”
“Jusko Sharon okay na kami sa KathNiel, LizQuen tantanan na, walang bansang naghihintay sa comeback nyo as loveteam. Tama na pabebe, act your age, mahiya ka sa asawa at mga anak mo uy.”
“Mas gusto ko naman tambalan ng sharon at gabby kesa sa mga jeje love team na sinabi mo lol..kaloka ka.”
“Kakaawa ka Shawie…d ka pa rin sumusuko sa pagpapapansin sa ex mo. Eh dalaga na mga anak mo sa asawa mo. Gang kailan ba.”
“hindi yan papansinin ni gabby.”
“Mauna pa yatang mag move on si Bea Alonzo kaysa kay Tita Shawie.”
“She actually has a valid point about double standard. If older man + younger girl – ok lang sa marami. Pero the reverse – big deal agad. We should be all open-minded enough to accept that what’s good for the goose should also be good for the gander.”
“Though puro kdrama na ako now, will def watch gabby+sharon with mom and sisters, masayang treat/bonding ito.”
“Mega, sorpresahin mo na lang kami sa movie nyo ni Gabby. Ilang taon na yang nauudlot eh.”
Samantala, nag-post din si Sharon ng throwback photo nila ni Diamond Star Maricel Soriano, na isa rin sa dream project ni Mega na hindi talaga matuloy-tuloy.
Kaya parang inip na inip na si Sharon kaya isiniwalat na ang saloobin sa kanyang IG post, “Ano na, Mary?! Itong babaeng ito mga 1,000 times ko na sinasabi na gumawa na kami ng movie! Ateng ko hintayin pa ba natin mag-65?!!! Eh bakit kasi tuwing bini-bring up ko iniiba mo ang topic!!!
“Ayan sinumbong na kita sa netizens para alam nila ikaw lang hinihintay ko! Tara na Mary! @maricel.soriano.official.”
Well, hintayin na lang natin kung makakakuha ba sila ng magandang story para matuloy na ang pagsasama ng Diamond Star at Megastar, na for sure, kahit ang Viva Films ay magkaka-interes at puwede rin naman sina Sharon at Maricel na ang mag-produce.
‘Wag na sana nilang hintayin na umabot pa sila sa senior years bago maisipang gumawa ng pelikula.
(ROHN ROMULO)
-
Sec. Roque, hindi nagkaroon ng closed contact sa apat na staff nito na nagpositibo sa Covid-19
TINIYAK ni Presidential Spokesperson Harry Roque na wala siyang naging naging close contact sa kahit na kaninuman sa kanyang apat na staff na nagpositibo sa Covid-19. Aniya, naka-skeleton workforce na ang lahat ng mga nagtatrabaho sa kanyang opisina o sa Office of the Presidential Spokesperson. Sa katunayan aniya ay sinabi ng kalihim na […]
-
Tiyak na isa siya sa mag-i-spoil sa unang apo: VILMA, excited na sa pagdating ni Baby Peanut at kung gaano kadalas mahihiram
HINDI mo masisisi si Ms. Vilma Santos-Recto na magiging first time lola. Excited na kasi siya sa nalalapit na pagsisilang ng manugang na si Jessy Mendiola sa Baby Peanut nila ng husband nitong si Luis Manzano. At sabi nga niya sa kanyang vlog sa YouTube na may 400K followers na, “gaano ko kaya kadalas mahihiram ang aking apo?” […]
-
Duterte, tiniyak ang tulong sa pamilya ng mga nasawing sundalo sa C130 plane crash
Personal na binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Zamboanga City kung saan doon inihatid ang mga nasawi at sugatang sundalo dahil sa pagbagsak ng kanilang C-130 transport plane nitong nakalipas na Linggo. Nangako rin ang pangulo sa mga kaanak ng mga nasawing sundalo para sa ibibigay na mga tulong. Bilang aniya […]