SHARON, walang pakialam na pinost ang teaser ni POPS para sa ‘Centerstage’ kahit katapat ng ‘YFSF’
- Published on March 22, 2021
- by @peoplesbalita
MAPUPURI mo talagang magmahal ng friends niya si Megastar Sharon Cuneta.
Like na lamang nitong nakaraang ilang araw, nag-post si Sharon sa Instagram niya na humihingi ng dasal para sa kanyang TF, na si Fanny Serrano na na-stroke at dasal din niya, “Please Lord…don’t take him away from me yet…Don’t leave me, my dearest TF…I love you so, so much.”
Maraming sumagot sa kanyang request at ngayon ay nagkamalay na at nagpapagaling na si TF na naging make-up artist ni Sharon nang nagsisimula pa lamang siya sa showbiz.
At nang mag-start silang mag-shoot ng actress na si Rosanna Roces ng bagong movie nilang Revirginized ng Viva Films, nakilala raw niya ang actress na napakadaling mahalin dahil totoong tao, walang pretensions at napakalaki ng puso.
“It is MY honor to have a friend like you in my life. Wala akong pakialam sa imperfections mo kasi lahat naman ng tao walang perfect. Ang kaibahan mo, open ka, yung iba nagpapanggap na perfect at disente pero baligtad pala. I love you lablab ko!”
At wala ring pakialam si Sharon kung mag-post man siya ng teaser ng kaibigang si Pops Fernandez, para sa Centerstage ng GMA Network na napapanood every Sunday, 7:40 PM, na mga judges sina Aicelle Santos, ang dati niyang musical director sa Sharon noon na si Mel Villena at si Pops nga.
Okey lang naman ‘yun kahit katapat ang Your Face Sounds Familiar na isa rin siya sa mga judges, ng ABS-CBN. Nagpasalamat si Pops at miss na raw niya ang sis niya, sagot ni Sharon, “I love you, sis. Miss you too.”
Umabot ito ng more than 15K views matapost i-post ni Sharon.
***
PALAGAY na ang loob nina Shaira Diaz at Ruru Madrid na magkasama sa mga projects nila sa GMA Network.
Una sana nilang pagtatambal ay sa action-drama series na Lolong, pero inihahanda pa ang lock-in taping nito, nag-guest muna sila sa The Lost Recipe nina Mikee Quintos at Kelvin Miranda at saka sila nagtambal muna sa first episode ng Season 2 ng drama anthology na I Can See You: On My Way To You.
Simula na ngayong Monday, March 22, ang romantic-drama weekly series, hindi kaya magselos ang kani-kanilang loves?
No problem daw naman dahil open ang relasyon nina Shaira at EA Guzman at sina Ruru at Bianca Umali.
Natawa si Shaira, dahil ang tagal na raw nila ni EA, wala na raw silang selosan. Saka ngayon daw ay naiintindihan na ng audience ang pinapanood nila, na acting lamang ang ginagawa nila.
Sa ngayon ay busy ang apat na Kapuso actors, dahil kung magkatambal man sina Shaira at Ruru, may project ding ginagawa si Bianca, ang Legal Wives na isa siya sa asawa ni Dennis Trillo sa serye.
Si EA naman ay isa sa katambal ni Julie Anne San Jose sa Heartful Cafe na malapit na ring mapanood sa GTV channel ng GMA simula sa April 5.
Gaganap na isang run-away bride si Shaira, tatakbuhan din ba niya si Ruru? Mapapanood na simula ngayong gabi, March 22, ang ICSY: On My Way To You, after ng First Yaya sa GMA-7. (NORA V. CALDERON)
-
GILAS Pilipinas, handang sumabak sa PBA
Malugod na tinanggap ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) ang alok ng PBA na payagang makapaglaro ang Gilas Pilipinas. Sinabi ni SBP President Al Panlilio na mula pa noon ay mahigpit na ang partnership ng GILAS at PBA. Isa rin aniyang pagkakataon ito para makapa-ensayo na ang national team. […]
-
Maiintindihan ng JulieVer fans na hindi si Julie Anne: RAYVER, first time na makatatambal si JASMINE sa isang serye
SI Jasmine Curtis-Smith ang makatatambal ni Rayver Cruz sa bago niyang teleserye na ‘Asawa Ng Asawa Ko.’ “Si Jas, lagi ko naman nakakasama, lagi kong nakikita si Jas sa mga events, and sa mga guestings, ‘pag may gathering ng mga artists pero first time, first time to work with her kaya nakaka-excite,” […]
-
Halos 300 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa Valenzuela
HALOS 300 pamilya ang nawalan ng tirahan matapos ang naganap na sunog sa isang residential area sa Valenzuela City, Linggo ng madaling araw. Sa nakalap na ulat sa Valenzuela City Bureau of Fire Protection (BFP), dakong alas-4:20 ng madaling araw nang biglang sumiklab ang sunog sa residential area sa Sagip St., Brgy., Arkong […]