Shoot to kill order ni PDu30 laban sa mga NPA
- Published on March 11, 2021
- by @peoplesbalita
PARA sa Malakanyang, internationally accepted principle ang naging kautusan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte laban sa mga miyembro ng New Peoples Army Group.
Ito ang inihayag ni Chief Legal Counsel Secretary Salvador Panelo sa harap ng pagkuwestiyon sa shoot to kill order ng Chief Executive Punong Ehekutibo laban sa mga armadong NPA.
Binigyang diin ni Panelo na walang masama sa nasabing direktiba lalo pa’t nasa balag ng alanganin ang buhay ng isang sundalo.
Giit nito, isang legal justification ang self defense para pumatay gayung ang umiiral dito ay instinct of survival.
Sinabi ni Panelo na ito rin ang nakasaad sa Geneva Convention subalit ibang usapan na aniya kung sumuko na ang isang miyembro ng NPA.
Nauna rito, dinepensahan naman ni National Security Adviser Hermogenes Esperon ang utos ni Pangulong Duterte na patayin ang mga armadong komunistang rebelde sa bansa.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Esperon na kung makikita ng tropa ng pamahalaan na armado ang kalaban dapat na itong barilin dahil kung hindi tiyak na sila ang mababaril
Malinaw naman aniya ang utos ng Pangulo na shoot to kill laban sa armadong miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army.
Matatandaan na noong nakaraang linggo lamang, ipinag-utos ng Pangulo sa mga sundalo na patayin ang mga armadong komunistang rebelde.
Dalawang araw matapos ang utos ng Pangulo, siyam na aktibista ang napatay sa magkakahiwalay na operasyon sa Cavite, Laguna at Rizal. (Daris Jose)
-
Nandyan lang ‘pag kailangan ng onscreen partner: KEN, sinabihan si ROB na alagaan at protektahan si RITA
MAY segment ngayon sa morning show na Mars Pa More, ang “Taran Tanong,” at mabilis na sinagot ni Kapuso actor Ken Chan ang tanong na kung mayroon ba siyang mensahe para sa actor na si Rob Gomez, na crush daw ng regular onscreen partner niyang si Rita Daniela? Hindi nagdalawang-isip si Ken at mabilis na sumagot: “Rob, […]
-
HEART, magtatagal sa Los Angeles para sa isang secret project at art project nila ni BRANDON BOYD
KASALUKUYANG nagla-lock-in taping ngayon si Heart Evangelista para sa GMA primetime series niyang I Left My Heart in Sorsorgon. Puro Manila scenes na raw ang kinukuhanan nila kaya sabi ni Heart, matatagalan daw siguro baka siya makabalik muli ng Sorsogon. Sa Instagram Live ni Heart, nabanggit niya na after pala ng […]
-
Mga pagkilala at suportang pinansyal, bumuhos sa mga bayaning tagapagligtas
BUMUHOS ang mga pagkilala at pinansiyal na suporta para sa mga bayaning tagapagligtas sa ginanap na espesyal na pagpupugay ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan para sa kanilang kabayanihan na tinawag na “Salamat at Paalam… Luksang Parangal para sa mga Bayaning Tagapaglistas! sa Bulacan Capitol Gymnasium dito kahapon. Sa ngalan nina George E. Agustin […]