Shootout: 2 drug suspect utas, P68 milyong shabu nasamsam
- Published on May 28, 2021
- by @peoplesbalita
Patay ang dalawang pinaniniwalaang miyembro ng “Divinagracia drug syndicate”matapos manlaban sa mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Group (PDEG) at National Capital Regional Drug Enforcement Unit sa Muntinlupa City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala nina PNP chief, General Guillermo Eleazar ang mga napaslang na sina Jordan Abrigo, alyas Jordan at Jayvee De Guzman o JB, na target sa isinagawang operasyon.
Nasamsam sa mga ito ang tatlong Chinese tea bags na naglalaman ng tinatayang 10 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga sa kabuuang P68 milyon, isang Nissan Cefiro na kulay itim, marked money na ginamit sa buy-bust at ang dalawang kalibre 45 baril .
Dead-on-the-spot ang mga suspek nang makipagpalitan ng putok habang nagtatangkang tumakas nang makatunog na pulis ang kanilang ka-transaksyon.
Ayon sa ulat ni PDEG director, Brig. Gen. Remus Medina, wala namang nasugatan sa mga operatiba.
Ang grupo umano ay may source ng ilegal na droga na isang alyas Jhonson, isang Chinese national na nakapiit sa New Bilibid Prison.
Supplier din umano ang mga suspek ng droga sa NCR at Region 6 at iba pang kalapit na lalawigan, sa Visayas at sa Mindanao.
-
“THE MATRIX RESURRECTIONS” HOLDS US PREMIERE IN SAN FRANCISCO
CHECK out the filmmaker and cast of “The Matrix Resurrections” celebrate the US premiere in San Francisco. See the film in Philippine cinemas January 12, 2022. [Watch the film’s latest trailer at http://youtu.be/ZwcZxA9rfoU] About “The Matrix Resurrections” From visionary filmmaker Lana Wachowski comes “The Matrix Resurrections,” the long-awaited next chapter in the groundbreaking franchise that redefined […]
-
Birth cert ni Alice Guo pinapakansela ng OSG
PINAPAKANSELA ng Office of the Solicitor General (OSG) ang birth certificate ng suspendidong si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, batay sa inihaing petisyon sa Tarlac Regional Trial Court kahapon. Magkatuwang ang OSG at ang Philippine Statistictics Authority (PSA) sa pagsasampa ng petisyon. Sinabi ni Solicitor General Menardo Guevarra na ang […]
-
MPBL bongga pagbalik – Pacquiao, Duremdes
NAKATENGGA ang 3rd Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) 2019-20 Lakan Cup dahil sa pandemya nang mag-lockdown ang bansa at magkanselasyon ng lahat ng sports event sapul pa noong Marso 2020. Pero ipinahayag nito lang isang araw nina MPBL CEO/founder Sen. Emmanuel Pacquiao at Commissioner Kenneth Duremdes na wala sa plano ang pagtiklop ng […]