• March 29, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Show cause orders, ipinalabas laban sa 48 LGUs

IPINALABAS na ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año ang show cause orders laban sa 48 local government units para sa mabagal na distribusyon ng cash aid o ayuda para sa mga Typhoon Odette survivors.

 

 

Sa Talk to the People ni Pangulong Duterte, araw ng Martes, sinabi ni Año na hiniling niya sa LGUs na magpaliwanag kung bakit hindi pa nakompleto ng mga ito ang distribusyon ng financial assistance.

 

 

“Ang ginawa rin po natin sa mga LGUs na medyo mabagal ang pagbibigay ng ayuda ay pinadalhan natin ng show cause orders. Ito po ay umaabot sa 48 LGUs,” ayon sa Kalihim.

 

 

Aniya, may 16 na LGUs ay mula sa Eastern Visayas, 16 mula sa Western Visayas, 13 mula sa Central Visayas, at tatlo naman ay mula sa Mimaropa.

 

 

Tinatayang may 85.52% o P4,151,590,324 ng P4,854,356,000 cash aid funds ang naipamahagi na sa 4,010,092 benepisaryo.

 

 

Base sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, “as of February 21,” ang napaulat na death toll ay 405 at 52 naman ang nawawala matapos na hambalusin ng bagyong Odette ang bansa noong Disyembre ng nakaraang taon.

 

 

May kabuuang 10,607,625 katao o 2,991,586 pamilya ang apektado ng bagyo sa 10,264 barangay.

 

 

Mayroong 2,031,824 bahay ang nawasak; 1,585,252 partially damage at 446,572 totally damage. May kabuuang P29,338,185,355 halaga ng danyos sa imprastraktura at P17,748,148,271 sa agrikultura ang napaulat. (Daris Jose)

Other News
  • Gilas 3×3 todo ensayo na!

    Doble-kayod na ang Gilas Pilipinas 3×3 bago tumulak patungong Graz, Austria para sa FIBA 3×3 Olympic Qualifying Tournament sa Mayo 29 hanggang 30.     Ayon kay Gilas 3×3 head coach Ronnie Magsanoc, sumasalang sa dalawang ensayo kada araw ang kanyang bataan dahil ngayon lamang nakumpleto ang tropa.     “In terms of effort, I […]

  • Beermen nagkampeon sa PBA Philippine Cup matapos tambakan ang TNT 119-97

    NAKUHA  ng San Miguel Beermen ang kampeonato ng 2022 PBA Philippine Cup matapos tambakan ang TNT Tropang Giga 119-97.     Tinanghal bilang PBA Press Corps Finals Most Valuable Player sa laro na ginanap sa Araneta Coliseum sa harap ng 15,915 audience.     Nanguna sa panalo ng Beermen si CJ Perez na nagtala ng […]

  • PIA, nagka-COVID pa rin kahit fully vaccinated at may booster shot; pinatulan ang basher na nagsabing ‘deserved’ niyang mahawa

    IBINAHAGI ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach a few days ago na nag-positive din siya sa COVID-19 habang nasa United Kingdom.     Nagbabala pa siya sa IG post ng, “Long post ahead”, bago I-post ang nangyari sa kanya.     Panimula ni Pia, “I caught COVID here in the UK even though I’ve been […]