Sigaw ni Panelo sa pag-aresto kay dating PRRD: Unlawful arrest
- Published on March 12, 2025
- by Peoples Balita
“IT’S unlawful arrest.”
Ganito kung ilarawan ni dating presidential spokesman Salvador Panelo ang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte para sa sinasabing krimen laban sa sangkatauhan.
Ang katwiran ni Panelo, hindi man lamang kasi pinayagan ng Philippine National Police (PNP) ang sa isa mga abogado ni Digong Duterte na makita at makausap ito sa airport at kuwestiyunin ang legal na basehan para sa pag-aresto sa dating Pangulo.
Pinagkaitan din aniya ng legal representation si Digong Duterte nang arestuhin ito.
“The PNP could not have a hard copy if the warrant arrest. By not allowing one of his lawyers to meet him, the arresting could avoid being asked if they have the hard copy of the arrest warrant,” ayon kay Panelo.
“It is an illegal arrest because the ICC arrest warrant comes from a spurious source, the ICC, which has no jurisdiction over the Philippines,” aniya pa rin.
Ang naging pagkilos ng gobyerno ang magiging dahilan naman upang ang arresting team at ang mga public officials na nag-utos ng pag-aresto ay maging ‘criminally liable.’
Nauna rito, sinalubong ng warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC) si dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte para sa krimen laban sa sangkatauhan.
Sa kalatas na ipinalabas ng Presidential Communications Office (PCO) sinabi nito na kaninang madaling araw pa natanggap ng INTERPOL Manila ang opisyal na kopya ng warrant of arrest mula sa ICC.
“Ika-9:20ng umaga ngayong araw, 11Marso 2025, ang
dating Pangulong Rodrigo Duterte at ang kanyang grupo ay dumating sa Maynila mula Hong Kong sakay ng Cathay Pacific CX 907.
Sa kanyang pagdating, inihain ng Prosecutor General ang ICC notification para sa isang arrest warrant sa dating Pangulo para sa krimen laban sa sangkatauhan,” ang nakasaad sa kalatas ng PCO.
Ang dating Pangulo at ang kanyang grupo ay nasa mabuting kalusugan at sinuri ng mga doctor ng gobyerno.
Sinigurado na ang dating Pangulo ay nasa maayos na kalagayan.
Sa kabilang dako, ang mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) na nagpatupad ng warrant ay tiniyak na may suot na body camera.
Sa ngayon ayon sa PCO ay nasa kustodiya na ng mga kinauukulan ang dating Pangulong Duterte.
Sa ngayon, ang Pangulo ay dinala sa 250th Presidential Airlift Wing sa loob ng Villamor Airbase.
Sa kabilang dako, nagpunta naman si Senator Bong Go sa NAIA para salubungin si Digong Duterte para masiguro na maayos ang kalusugan ng dating Pangulo na may iskedyul ng check- up bukas, Marso12.
Kasama ni Go ang personal physician ni Digong Duterte.
“Sisiguraduhin lang namin na maayos ang kalusugan ni dating Pangulong Duterte. Actually, scheduled po siya bukas ng medical check -up. May gagawing procedure sa kanya bukas dito sa ospital sa Cardinal kaya po siya tumuloy at kailangan niyang magpa-check up talaga. Regular check -up,” ang sinabi ng senador sa kanyang Facebook live.
Samantala, bumalik ng bansa si Digong Duterte sa gitna ng bulong-bulungan na nagpalabas na ang International Criminal Court ng warrant of arrest laban sa kanya para sa kanyang kontrobersiyal na war on drugs. (Daris Jose)
-
UK, gusto ang mas maraming Filipino nurse — PBBM
SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hiniritan siya ng United Kingdom (UK) kung saan ay tinanong siya kung makapagpapadala ang Pilipinas ng mas maraming health workers doon. Tinukoy ng UK ang mahalagang naging ambag ng mga health workers laban sa Covid-19. Sa naging panayam kay Pangulong Marcos sa sidelines ng […]
-
ARJO, first choice sa ‘Yorme’ at tinanggihan din ni MATTEO kaya napunta kay XIAN
SA June ang target release date ng Yorme, ang film bio ni Manila Mayor Isko Moreno. Ayon sa nasagap namin chika, June 24 ang premiere ni Yorme at gagawin ito sa Manila Metropolitan Theater, na muling bubuksan sa publiko matapos ang rehabilitation nito. Naantala raw ang shooting ng Yorme matapos maging […]
-
Ads April 20, 2023