• April 25, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Siklista ng GFG, papadyak sa 10th Ronda Pilipinas 2020

MASISILAYAN ang tikas ng Go for Gold Cycling Team sa pagpedal sa LBC Ronda Pilipinas 10th Anniversary Race na magsisimula sa Pebero 23 sa Sorsogon at matatapos sa Marso 4 sa Vigan, Ilocos Sur.

 

Irarrampa ng GFG ang mga batang siklista upang harapin ang hamon ng mga beterano buhat sa mga tigasing kaponan katulad ng Standard Insurance Navy at 7Eleven Cliqq-Air21 by Roadbike Philippines.

 

Gagabay sa ‘Go ..’ si skipper at veteran cyclist Ronnel Hualda kasama ang mga batang sina Daniel Ven Carino, Jonel Carcueva, Isamel Grospe, Jr., Jericho Jay Lucero, Marc Ryan Lago, Ronnilan Quita at Rex Luis Krog.

 

“The guys have improved since we first took them and while our target is modest this year, I will not be surprised if we will give the favored teams serious challenge,” sambit sa OD ni Go For Gold coach at team manager Eds Hualda.
Ayon kay Hualda, nakapokus ang team sa misyong makatuklas at makahubog ng mga bagong talento na maaring maging parte ng national cycling team sa hinaharap.

 

“That has been the goal by GFG since the team was first formed. And we will never stop until we find and make them champions,” wakas na pahayag ani Hualda.

 

Ihahatid ang 10-stage race ng LBC at sa mga pagsuporta ng Manuel V. Pangilinan Sports Foundation, Versa, 8A Performance, Print2Go, Petron, Green Planet, Bike Xtreme, Standard Insurance, Spyder, CCN, Lightwater, Prolite, Guerciotti, Black Mamba, Boy Kanin, Vitamin Boost, NLEX/SCTEX, Maynilad, 3Q Sports Event Management Inc., LBC Foundation at PhilCycling. (REC)

Other News
  • Marcos, nangakong tatapusin ang infra projects ‘ sa tamang oras

    NANGAKO si  Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tatapusin niya ” sa tamang oras” ang  infrastructure projects sa panahon ng kanyang administrasyon.     “We will continue to build, I will complete on schedule the projects that have been started. I am not interested in taking credit. I want to build on the success that’s […]

  • Panukala ni Senador Tulfo na imbestigahan ang NGCP, aprubado ni PBBM

    INAPRUBAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukala ni Senador Raffy Tulfo na imbestigahan ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP). Pinaalalahanan ni Tulfo nitong Martes, Mayo 16, si Pangulong Marcos sa posibilidad ng seryosong banta sa seguridad ng bansa ang maliit na porsyon na pagmamay-ari ng China ang NGCP. Ayon sa Presidential Communications […]

  • Ads January 19, 2024