• April 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SIM card registration sa bansa, umabot na sa 15% –DICT

UMABOT na sa mahigit 15%  ng lahat ng SIM cards sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas ang rehistrado na sa kani-kanilang public telecommunication entities (PTEs) “as of Saturday, January 28.”

 

 

Base sa data ng Department of Information and Communications Technology (DICT), may kabuuang 26,637,515 SIM cards ang rehistrado na “as of 11:59 p.m. January 28,” may katumbas na 15.76% ng  168.977 milyon sa buong bansa.

 

 

“Broken down, Smart Communications Inc. reported 13.632 million or 20.05% of its 67.995 million subscribers, Globe Telecom Inc. with 10.883 million or 12.39% of its 87.873 million subscribers, and DITO Telecommunity Corp. with 2.121 million or 16.19% of its 13.108 million subscribers,” ayon sa ulat.

 

 

Ang IRR ng  SIM Card Registration Act ay naging epektibo noong Disyembre 27, matapos tintahan ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. ang batas noong nakaraang Oktubre.

 

 

Sinasabing binibigyang mandato ng batas ang lahat ng  public telecommunications entities (PTEs) na magtatag ng  kanilang  registration platforms kung saan “they will onboard users who present valid identification cards.”

 

 

Ang mga SIM card users ay binibigyan lamang ng 180 araw para iparehistro ang kanilang SIM cards, o manganganib na ma-deactivate ito.

 

 

Nauna rito, sinabi ng PTEs na handa na sila para sa  registration process, sublit dapat nang asahan ang  “birthing pains”  sa panahon ng initial stages.

 

 

Ipinag-utos naman ng National Telecommunications Commission (NTC) sa PTEs na magsumite ng anumang problema na kanilang mararanasan sa mga users  sa panahon ng registration.

 

 

“The DICT is working with PTEs to address the public’s feedback so we can improve the SIM Registration experience for everyone,” ayon kay DICT Spokesperson Anna May Lamentillo.

 

 

“We also remind subscribers that their personal information remains protected under the Data Privacy Act. Under this law, PTEs are required to secure subscribers’ data with mandatory encryption of data,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Samantala, para irehistro ang kanilang SIM cards,  ang mga users ng DITO Telecommunity Corp. ay maaaring bumisita sa  https://dito.ph/registerDITO; Globe Telecom Inc. sa  https://new.globe.com.ph/simreg, at  Smart at https://smart.com.ph/simreg.

 

 

Nagsagawa naman na ang NTC  nito lamang unang  bahagi ng buwan ng pag-rolled out ng registration ng SIM cards sa mga  remote areas  sa iba’t ibang  bahagi ng bansa, para tumulong sa implementasyon ng SIM Card Registration Act. (Daris Jose)

Other News
  • Ads January 29, 2021

  • Sa maliit na seafood business noong pandemya: NEIL RYAN, nagkaroon ng malaking farm sa Zambales

    DAHIL sa maliit na seafood business ni Neil Ryan Sese noong magkaroon ng pandemya, nagbunga na ito sa pagkakaroon ng isang malaking farm sa Zambales.       Ito ang naging kapalit ng sipag, tiyaga at tiwala ng aktor sa Diyos noong simulan niya ang K&G Seafood noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic noong 2020.   […]

  • Nire-recruit na maging part sa pagpuksa sa ‘dogs slaughter’: KORINA, nagpaka-fangirl kay RAYMOND at nalamang dream maging ‘superhero’

    NAGPAKA-FANGIRL si Korina Sanchez at may nalaman siya tungkol sa lovelife ni Raymond Bagatsing.     “I admit. I admire only a few actors. Ilan lang na artista ang hinahangaan ko. And bilib ako kay Raymond Bagatsing”, ayon sa veteran broadcaster sa kanyang recent interview with the award winning actor.     Sino ba ang […]