SIM registration deadline hanggang July 25… KUYA KIM at KIRAY, na-experience din na mabiktima ng ‘hacking’
- Published on July 22, 2023
- by @peoplesbalita
ILANG araw na lang at sasapit na ang deadline sa Hulyo 25, kaya naman naglunsad ang Globe ng isang creative campaign na nagbibigay-diin sa mga consumer na sumunod sa ‘SIM Registration Act’ upang maprotektahan ang kanilang sarili mula sa mga panganib na nakatago sa online.
Sa “Number Mo, Identity Mo” campaign, ang online identities ng mga sikat na celebrity na sina Kuya Kim Atienza at Kiray Celis ay nakatatawang ‘na-hack’ ng mga talented stand-up comedians at improv artist na nagpapanggap sa kanila.
Ayon sa statement ni Ms. Yoly Crisanto, ang Chief Sustainability and Corporate Communications Officer ng Globe Group, “Online safety is a pressing issue in today’s digital age. Through this unique initiative, we hope to drive home the point that our SIMs are a crucial part of our digital identity and must be protected.
“We also want to remind our prepaid customers that they need to register their SIMs by the July 25 deadline. We urge all Globe customers to register their SIMs now,”
Sa naganap na press conference Globe, nagpaalala si Kuya Kim sa kahalagahan ng SIM registration.
“Ang number natin ay nakakabit sa ating digital o online identity,” sabi ng TV host.
“Sa experience na ito, marami akong natutunan, kailangan nating maging maingat sa ating identity kahit sa online space lang ito. Ang ating SIM ay hindi lang para sa ating mobile connectivity. Ito rin ay nakakabit sa ating digital identity.”
Dagdag pa ni Kuya Kim, “Number mo, identity mo. Kaya’t mahalaga na iparehistro ito upang maiwasan ang mga scam at pagsasamantala tulad ng nangyari sa akin.”
Kuwento naman ni Kiray, na-experience daw niya na totoong ma-hack ang kanyang account.
“May nangha-hack ng account ko, true story ito, siguro three or four weeks ago. Buti na lang, yung OTP ko ay pumapasok sa number ko.
“So, doon namin nalaman na, ‘Ay, sino ang pumapasok sa account ko?’ Ako lang naman ang nakakaalam ng mga password ko. Buti na lang nag-send ng mga OTP and nagpalit agad ako ng mga password.”
Upang maiwasang maging biktima ng panloloko, muling iginiit ng Globe ang panawagan nito sa mga customer na irehistro ang kanilang mga SIM. Maaaring magparehistro ang mga customer ng Globe Prepaid, TM at Globe At Home Prepaid WiFi sa pamamagitan ng GlobeOne app at SIM registration microsite ng Globe (https://new.globe.com.ph/simreg) 24/7.
Ang mga ganap na na-verify na may hawak ng GCash account ay maaari ding gumamit ng GCash app. Ang mga nangangailangan ng tulong upang mairehistro ang kanilang mga SIM ay maaari ring pumunta sa alinmang Globe Store at EasyHub sa buong bansa.
Ang Globe Postpaid, Globe Business Postpaid at Globe Platinum subscribers ay naisama na sa SIM registration database. Para sa mga prepaid na account ng Globe Business na pag-aari ng kumpanya, ang mga hakbang sa pagpaparehistro o pag-update ng mga detalye ay ipinadala sa mga awtorisadong kinatawan ng kumpanya.
‘Wag nang magpa-abot pa sa dealine sa July 25, magpa-register na ng inyong SIM, ngayon na dahil wala itong second extension ayon mismo sa Department of Information and Communications Technology (DICT).
Bisitahin din ang kanilang website, https://www.globe.com.ph/.
(ROHN ROMULO)
-
Caloocan LGU, pinalakas ang partnership sa local cooperatives
PINANGUNAHAN ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan, sa pamamagitan ng Cooperative Development and Coordinating Division (CDCD), ang pagdiriwang ng taunang Cooperative Month ngayong Oktubre na may iba’t ibang aktibidad na nakahanay upang kilalanin ang mga kontribusyon ng mga kooperatiba sa paglago ng ekonomiya ng lungsod, tulungan sila sa mga kinakailangan para sa pagpaparehistro sa iba’t ibang […]
-
DOTr, tataasan pa hanggang P260-K ang subsidiya para sa mga modern jeepney
INIHAYAG ng Department of Transportation (DOTr) na plano nitong taasan pa ang equity subsidy para sa tsuper ng mga public utility vehicles ng hanggang Php260,000. Ito ay upang mabigyan sila ng pondo at pagkakataon na makabili ng mga e-jeepney para sa ipapatupad na PUV modernization program ng pamahalaan. Paliwanag ni DOTr […]
-
Ang reunion na pinakahihintay ng lahat: PIA, masayang pinost ang muling pagkikita nila ni Miss Columbia ARIADNA
KAHIT kami ay nagulat at natuwa na makita ang litrato na magkasama sina Pia Wurtzbach at Ariadna Gutierrez! Well sino ba naman ang makakalimot sa nangyari noong Miss Universe 2015 kung saan nagkamali si Steve Harvey ng announcement ng winner, na sa halip na Philippines ang tawagin niya ay Colombia ang inanunsiyo niyang […]