Simbahan, hindi pa kailangan na gamitin para sa vaccination program ng gobyerno
- Published on February 2, 2021
- by @peoplesbalita
HINDI pa kailangan na ipagamit ng mga obispo ang kanilang mga Simbahan at pasilidad para sa pagsisimula ng vaccination program ng pamahalaan.
Ang katuwiran ni Presidential spokesperson Harry Roque, kumpleto na ang plano ng Department of Health (DoH) at National Task Force against covid19 para agad na makarating at maibigay sa bawat mamamayan ng bansa ang covid19 vaccine.
Sa katunayan aniya ay siniguro mismo ng provincial government ng Palawan na kakayanin nilang mabakunahan sa loob lamang ng isang buwan ang lahat ng kanIlang constituent.
Aniya pa, nakalatag na ang lahat ng kinakailangang gawin para sa pagsisimula ng pagtuturok ng bakuna laban sa virus.
Samantala, pinaalalahanan ng Malakanyang ang mga lokal na pamahalaan na responsibilidad nilang patawan ng kaukulang parusa ang sinumang lumabag sa ipinatutupad na health protocols sa kanilang mga nasasakupan.
Pinaalalahanan ni Sec.Roque ang LGUs kasunod ng napaulat na marami sa mga celebrities o kilalang personalidad ang hindi sumunod sa IATF guidelines kaugnay sa quarantine protocols Matapos na magparty sa kabila ng patuloy na banta ng new variant ng covid19.
Ani Sec. Roque, nailatag na ng gobyerno ang mga health restrctions na kailangang sundin ngayong panahon ng pandemya at nasa kamay na Aniya ng mga lokal na pamahalaan ang PagPapataw ng mas mabigat na parusa o kaya’y mas malaking multa para mApanagot at maturuan ng leksiyon ang mga hindi sumusunod sa basic health protocols.
Muling iginiit ng kalihim na hindi IATF ang nagpapataw ng parusa, kundi ang mga lokal na pamahalaan, sa pamamagitan ng Kanilang mga ordinansa. (Daris Jose)
-
LTO muling magbibigay ng driver’s license na plastic cards
MAGSISIMULA nang muling magbigay ng plastic cards na driver’s license ang Land Transportation Office (LTO) matapos ang ilang buwan na kumpirmahin ang kakulangan ng plastic cards. Matatandaan na nagdesisyon ang LTO na magbigay muna ng temporary licenses na nakalagay lamang sa isang papel. “We have enough numbers of plastic […]
-
Ikinagulat ng showbiz industry: ’90s heartthrob na si PATRICK, pumanaw na sa edad na 55
NAGULAT ang local showbiz sa balitang pagpanaw ng aktor at ’90s heartthrob na si Patrick Guzman noong nakaraang June 16 sa Toronto, Canada. Kumalat via social media ang pagpanaw ng 55-year old Filipino-Canadian nitong nakaraang Sabado, June 17. Hindi pa naglalabas ng official statement ang pamilya ni Patrick. His wife is Liezel at […]
-
Duque napaiyak sa pagdinig ng Kamara
“Winawarak ninyo ang dangal ng Department of Health (DOH)!” Ito ang sinabi ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III sa Commission on Audit matapos na maging emosyonal at hindi mapigilan ang mapaluha sa pagharap nito sa pagdinig ng House Committee on Public Accounts kaugnay sa kinukuwestiyon ng Commission on Audit (COA) […]