• September 27, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Simon, Thoss, Carey goodbye PBA na

SWAN song na nina Peter June Simon at Joachim Gunther ‘Sonny’ Thoss ang Philippine Cup ng 45th Philippine Basketball Association (PBA) 2020 Philippine Cup sa Linggo, Marso 8 sa Araneta Coliseum.

 

Magre-retiro na ang dalawa pagkatapos ng nasabing season-opening conference ng professional cage league.
Tungtong sa edad na 40 taong-gulang na sa darating na Hunyo ang combo guard na si Simon, nag-38-anyos na nitong Disyembre ang sentro ng Alaska Milk na si Thoss.

 

Sa buong PBA career nila, hindi nagpalit ng uniporme ang mga ito – si Simon sa Purefoods franchise, at si Thoss sa Aces ni Wilfred Steven Uytengsu, Jr.

 

Produkto ang tubong Makilala, Cotabato na si Simon ng University of Mindanao, tinapik ng Sta. Lucia Realtors na 45th pick sa 2001 PBA Draft bago pinamigay sa Magnolia-Purefoods.

 

Sa matibay na pulso, binalikat niya ang Purefoods franchise sa walong kampeonato, naging eight-time All-Star at 2008 All-Star Game MVP at nag-2019 3-Point Shootout King.

 

Naging fifth pick naman ng gatas si Thoss noong 2004, sa panahon ni coach Earl Timothy Cone na ang triangle offense nila nagkaloob sa kanila ng tatlong trono.

 

Mula ang 6-foot-7 Fil-German sa James Cook University, na nag-Finals MVP sa championship run ng Alaska sa 2013 Commissioner’s Cup, two-time Mythical First Team memebre at 12-time All-Star.

 

Balak ng Aces na i-retire na ang jersey No. 7 ni Thoss sa final game sa eliminations sa Mayo 16 kontra Magnolia. Wala pang plano ang Magnolia kay Simon.

 

Huling taon na rin ni Harvey Carey ng Talk ‘N Text ang papasok na season ng liga.

 

Isasabit na rin ng 6-3 forward ang kanyang jersey tapos ng 17 seasons na lahat ay sa KaTropa lang. Napatanyag sa depensa ang Fil-Am na si Carey, 40, na may pitong titulo sa TNT sa team na kumalabit sa kanya bilang fourth pick overall sa2003 Draft.

Other News
  • Tilda Swinton, Idris Elba Together in the Extraordinary Epic Adventure Film ‘Three Thousand Years of Longing’

    THIS September 14 it is time to indulge your senses, uncover your deepest desires, and prepare for the adventure of a lifetime… “Three Thousand Years of Longing” is about to make your wildest dreams come true.     Helmed by George Miller (blockbuster director of countless iconic films such as Babe, Pig in The City, […]

  • Sinovac vaccines maaaring iturok kay PDu30 para sa second dose

    Posible na ang coronavirus disease (COVID-19) vaccine na gawa ng Sinovac Biotech ang gagamitin para sa second dose ni Pangulong Rodrigo Duterte kung sakali na mabigo ang Sinopharm na makakuha ng approval mula sa mga health regulators.     Sinabi ito ni Dr. Rontgene Solante, miyembro ng Department of Science and Technology’s Vaccine Expert Panel […]

  • 50,000 traditional jeepneys nanganganib mawalan ng prangkisa

    MAY 50,000 na traditional jeepneys ang  hanggang ngayon ay hindi pa sumasailalim sa consolidation kung kaya’t nanganganib na hindi payagan magkaron ng operasyon.       Ang mga operators ay binigyan hanggang June 30 upang sumailalim sa consolidation na naaayon sa modernization program ng pamahalaan.       Sa nilabas na datus ng Land Transportation […]