• July 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

#SimRegistration No. 1 trending habang kaliwa’t kanan pagpalya sa unang araw

NUMERO unong nag-trend sa social networking site na Twitter ang #SimRegistration sa unang araw ng pagpaparehistro ng mga subscriber identity module (SIM) card dahil sa bagong batas — kaso, reklamo ang tatambad sa’yo oras na i-check ang hashtag.

 

 

Simula Dec 27, meron na lang 180 araw ang mga mobile users para irehistro ang kanilang SIM cards upang makaiwas sa “deactivation.” Posible ito ma-extend nang hindi lalagpas sa 120 araw, ayon sa Republic Act 11934.

 

 

Dahil sa dami ng nagpaparehistro nang sabay-sabay, bagsak ang mga websites kung saan dapat nagpaparehistro. Ang ilan naman, nire-restrict dahil sa “pag-exceed sa maximum number of attempts” kahit hindi pa dapat.

 

 

“#SimRegistration is so fucked up. How about us na walang National IDs? Students who only have School IDs kasi wala pang government IDs??” tanong ng Twitter user na si @cloudy_zj kanina.

 

 

“less than 5 steps from doing the whole process paired with a shitty, inaccessible website because server can’t keep up with the demand. nothing new, just PH things #SimRegistration,” banggit naman ni @H0E4JAEMIN.

 

 

Una nang nilagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang naturang batas, sa layunin daw ng pagsugpo sa “krimen at terorismo na gumagamit ng mga mobile phones.”

 

 

Gayunpaman, ilang cybersecurity analysts at progresibong grupo na ang pumuna rito dahil sa isyu sa privacy at posibleng paniniktik.

 

 

Problema inaasahan sa ‘test registration’

 

 

Nagpaliwanag naman ang Smart Telecommunications, Inc. patungkol sa nangyayaring aberya, ito habang tinitiyak sa publikong ginagawan na nila ito ng aksyon.

 

 

“Due to the high volume of registrants, some subscribers may experience difficulty accessing the SIM registration site,” sabi ng communications giant.

 

 

“Our technical team is working on increasing capacity. Thank you.” (Daris Jose)

Other News
  • Malakanyang sa DENR, imbestigahan ang Masungi resorts

    TINAWAGAN ng pansin ng Malakanyang ang  Department of Environment and Natural Resources (DENR) na imbestigahan ang napaulat na “construction and expansion” ng resort facilities sa Upper Marikina Watershed sa Masungi Georeserve.     Ayon kay Acting presidential spokesperson Martin Andanar, dapat lamang na imbestigahan ng DENR ang di umano’y illegal quarrying at mining activities sa […]

  • VACCINATION CARD SA MAYNILA, HINDI MAPEPEKE

    TINIYAK  ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na hindi mapepeke ang iniisyu ng Manila LGU na vaccination card sa mga fully vaccinated na kontra COVID-19.     Ayon sa alkalde, ang Manila LGU ay may ginagawang paraan na upang hindi mapepeke ang vaccination card.     “Modesty aside, Manila has the most effective vax passport […]

  • May pasabog na special guest sa upcoming show: KUH, inalala na nag-concert para i-announce na buntis

    MAY upcoming concert si Pop Diva Kuh Ledesma sa August 3, 2024, Sabado, 7:30 ng gabi, sa ballroom ng Winford Resort and Casino Manila (sa likod ng SM San Lazaro sa Maynila) na may title na KUH LEDESMA SINGS HER ABC.     Nataong si Kuh ano ang kahulugan ng ABC sa concert?     […]