Sindikato ng namemeke ng endorsement, binalaan ng BI
- Published on October 14, 2020
- by @peoplesbalita
BINALAAN ng Bureau of Immigration (BI) na binabantaayan nila ang mga sindikato ng mga namemeke ng endorsement ng Bureau of Foreign Affairs (DFA).
Ang babala ay nag-ugat matapos na nakatanggap sila ng intelligent report na isang sindikato ay nagpaplano na gumamit ng pekeng DFA endorsement upang makapasok ang mga ito sa bansa na hindi pa pianpahintulutan dahil sa COVID 19.
Matatandaan na noong march ay sinuspinde ng DFA an pag-iisyu ng mga visas bagamat exempted sa suspension kung ito ay meritorious o humanitarian grounds.
“We have received intelligence reports with pictures that these syndicates are trying to falsify these documents to allow the entry of those currently restricted,” ayon kay BI Commissioner Jaime Morente. “Don’t even try. We have a smooth verification process with other government agencies that makes it easier to confirm if the document you will present is a fake,” dagag pa nito.
Binanggit ni Morente ang pagtatangka ng isang shipping agency na pekehen ang isang endorsement ng DFA pabor sa isang Marino na gustong makababa at tumira sa isang hotel imbes na sumunod sa kanyang outbound flight.
Dahil dito, sinuspinde ng DAF at BI ang pagpoposeso sa aplikante ng nasabing shipping agency at inuilagay sa blacklist ang kumpanya para hindi makapag-trsaksiyon sa ahensiya.
Sa kasalukuyan, tanging ang asawa at minor na anak ng siang Filipino ang pinapayagang puamsok sa bansa na may tourist visas. Pinapayagan din ang isang banyagang bata, banyagang magulang ng isang minor na Filipino na may special needs ay pinapayagan din pumasok sa bansa. (Gene Adsuara)
-
Baka ‘di pumayag sa pagpapa-convert ng girlfriend: RURU, natakot noong magpaalam sila sa Lola VICKY ni BIANCA
ALIW si Ruru Madrid, tila na miss nito ang girlfriend na si Bianca Umali na hindi na umabot sa presscon. Kaya kahit standee man lang ng Kapuso actress, binitbit niya at itinabi sa kanya habang kumakanta silang lahat na Sparkle artists ambassadors ng Beautéderm kasama ang C.E.O. na si Ms. Rhea Anicoche-Tan. […]
-
Ads November 15, 2022
-
Pagdating sa bansa nang mahigit 3M doses ng Moderna Covid-19 vaccines, pinangunahan ni Pangulong Duterte
PINANGUNAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagsalubong sa pagdating nang mahigit sa 3 milyong doses ng Moderna Covid-19 vaccines na dinonate ng gobyerno ng Estados Unidos sa Villamor Air Base,Pasay City. Sa maikling mensahe ng Pangulo ay pinasalamatan nito ang Amerika dahil sa kabutihang-loob na ibahagi ang Covid-19 assistance sa Pilipinas. “I […]