Sindikato sa text scam, tatalupan ng PNP
- Published on September 10, 2022
- by @peoplesbalita
TINIYAK ng Philippine National Police (PNP) na hindi magtatagal at matatalupan na nila ang grupo o sindikato na nasa likod ng naglipanang text scam sa bansa.
Ang paniniyak ay ginawa ni PNP spokesperson Police Col. Jean Fajardo bilang tugon sa dumaraming reklamo ng mga text messages mula sa hindi pa natutukoy na grupo.
Sinabi ni Fajardo na kumikilos na ang Anti-Cybercrime Group ng PNP para matukoy ang utak ng text blast.
Bukod sa pagpapalakas ng kanilang cyber patrolling, nag-apply na rin aniya ang ACG ng cyber warrant sa korte para pahintulutan itong buksan ang mga numero sa naglipanang text scam.
Aminado ang PNP na nakaka-alarma ang nangyayaring text blast dahil personalized na o tukoy ng sender ang pangalan ng mga pagdadalhan nito ng isang link.
Hinala ni Fajardo, posibleng organized group ang utak ng text scam na layuning manloko at manamantala.
Samantala, dismayado si Sen. Grace Poe, sa National Telecommunications Commission (NTC) sa harap ng talamak na mga text spams at text scams na bumibiktima sa milyun-milyong gumagamit ng mobile phones.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services sa subscriber identity module (SIM) card registration, sinabi ni Poe na lumilitaw na ang tanging ginagawa lang ng NTC ay sabihan ang mga telcos na maglabas ng mga babala laban sa mga scam.
“Anong ginagawa mo, wala ka bang complaint hotlines? May nahuli ka ba?” tanong ni Poe kay NTC Commissioner Gamaliel Cordoba.
Tumugon si Cordoba, sinabing ang hotline ay nasa website ng NTC.
“Hindi mo kabisado ang hotline number n’yo? Kung hindi mo alam ang hotline number n’yo, kami pa kaya. I’m very disappointed. If you were really serious about this issue, this would be at the top of your head at talagang sasabihin mo sa publiko na ito ang numero na maaari mong tawagan at i-text,” ani Poe.
Ang hotline na ito ay 896 67722 (OSPAC); 892- 04464 at 891-3251
Nadismaya rin si Poe nang sabihin ng NTC na para sa taong 2022, nasa 800 mensahe lamang ang hinarang ng ahensya.
“We blocked the 800. We were not able to trace the numbers. We blocked them through the telcos,” ani Cordoba.
“Ilan ba ang may cellphone, around 100 million; 800 lang ang na-block. This is so tragic,” sagot ng senador.
Bukod sa scamming, sinabi ni Poe na ang mga telepono ay ginagamit din sa mga aktibidad ng terorista, pagpapakalat ng fake news, trolls, cyberbullying at iba pang uri ng pandaraya tulad ng phising kaya kailangan na ang pagpaparehistro ng mga SIM card. (Daris Jose)
-
Dahil dumaan din sa depresyon: Fil-Canadian model na si RANDALL MERCURIO, gustong maka-inspire ng mga kabataan
AMINADO ang 24-year-old Filipino-Canadian model na si Randall Mercurio nakaranas din siya ng depresyon noong panahon ng pandemya na kung saan may nangyari na hindi maganda sa kanilang pamilya. Sa Homecoming Media Launch na hinanda para sa kanya nina Rose Hapin ng RH Productions Canada/Philippines, naikuwento niya ang pinagdaanang depresyon. Dati […]
-
Ads August 10, 2022
-
Bebot, 2 pang tulak timbog sa P100K shabu sa Navotas
TATLONG hinihinalang tulak ng iligal na droga, kabilang ang isang bebot ang arestado matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation sa Navotas City. sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen Ponce Rogelio Peñones Jr, sinabi ni Navotas police chief P/Col. Allan Umipig […]