Singil sa kuryente bababa ngayong Oktubre – Meralco
- Published on October 12, 2022
- by @peoplesbalita
MAGPAPATUPAD ang Manila Electric Company (Meralco) ng mahigit pitong sentimo kada kilowatt hour (kWh) na tapyas sa singil sa kuryente ngayong Oktubre.
Ayon sa Meralco, ang overall rate para sa isang typical household ay babawasan nila ng 7.37 sentimo/kWh ngayong buwan, o magiging P9.8628/kWh na lamang mula sa dating P9.9365/kWh noong Setyembre.
Nabatid na ang naturang adjustments ay nangangahulugan ng P15 na pagbaba sa total electricity bill ng mga kostumer na nakakakonsumo ng 200 kWh kada buwan; P22 na bawas sa mga nakakagamit ng 300 kWh; P29 sa mga nakakakonsumo ng 400 kWh at P36 naman para sa mga nakakagamit ng 500 kWh kada buwan.
Sinabi ng Meralco na mas mura pa ang power rates ngayon para sa residential customers kumpara noong 2012 na nasa P10.661/kWh; 2014 na nasa P10.465/kWh at 2018 na nasa P9.976/kWh.
Ipinaliwanag naman ng electric company na ang pagbaba ng singil sa kuryente ay dulot ng pagbaba ng feed-in-tariff allowance na nabawasan ng 6.19 sentimo/kWh, matapos na aprubahan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang mas mababang koleksiyon simula ngayong Oktubre.
Dagdag pa ng Meralco, bumaba rin ang generation charges para sa buwang ito ng 2.01 senitmo/kWh o naging P6.9192/kWh mula sa dating P6.939/kWh noong nakaraang buwan, dahil sa lower costs mula sa supply contracts ng kumpanya.
Maging ang charge mula sa independent power producers (IPPs) at power supply agreements (PSAs) ay nabawasan din umano sa buwang ito. (Daris Jose)
-
‘I accept the apology of ABS-CBN’ – Duterte
Tinatanggap umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paghingi ng paumanhin ni ABS-CBN President/CEO Carlo Katigbak kung may pagkakamali ang kanilang network at nasaktan ang pangulo. Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag sa ambush interview sa Malacañang matapos ang Oath-Taking ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) Officials at Presentation ng 12th Ani […]
-
Isama ang disiplina sa kalsada at responsableng pagmamaneho sa New Year’s Resolution -LTO
HINIKAYAT ng Land Transportation Office (LTO) ang mga motorista na isama ang disiplina sa kalsada at responsableng pagmamaneho sa kanilang New Year’s Resolution para sa 2025, kasabay ng pangakong ipagpapatuloy ang mas pinaigting na operasyon at adbokasiya para sa kaligtasan ng lahat ng gumagamit ng kalsada sa bansa. Bago matapos ang 2024 ay binalot ng […]
-
Masaya sa loveteam nila ni Francine: SETH, humble pa rin kahit isa na sa pinakasikat na young actor
NAKAAALIW ang kuwento ni Seth Fedelin sa pagkakakuha sa kanya bilang BNY ambassador. Talagang kitang-kita namin sa kanya ang saya sa bagong blessing niya na ito. At kuwento pa niya, “Kasi dati, nakikita ko lang ang BNY dahil lahat ng mall, may BNY. Tapos ang nanay ko, ‘yan talaga binibili sa amin. “So ‘di ba, […]