• April 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Single parent, PWD prayoridad ng Mayoralty bet sa Pasig

TINIYAK ni Pasig City Mayoralty bet Cezarah Rowena “Ate Sarah” Discaya na bibigyang-prayoridad niya ang karagdagang tulong para sa mga single parents at sa mga pamilyang may anak na may mental health conditions.

Ang paniniyak ay ginawa ni Discaya sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin at serbisyo publiko sa mga persons with disability (PWD).

“Mahirap ang buhay ngayon. Kung ang mga regular na pamilya ay hirap sa taas ng bilihin, mas lalo na ang mga single parents na solong nagpapalaki ng anak, at ang mga magulang na may anak na may kondisyon tulad ng ADHD at autism,” ani Discaya.

Personal aniyang ramdam ang pangangailangan ng mga ADHD dahil mismong ang kanyang apat na anak may mental health conditions.

Sakaling mahalal, isusulong ni Discaya ang mas malaking medical assistance at serbisyo para sa mga batang may mental health challenges gayundin  din ang karagdagang benepisyo para sa mga single parent, kabilang ang mas mataas na diskwento sa mga pangunahing bilihin.

Other News
  • Mga eba aawra na sa WNBL

    BINUNYAG ng Women National Basketball League (WNBL) ambassadress na si Maria Beatrice ‘Bea’ Daez-Fabros na  atat na ang mga kapwa ebang baller na may mga edad 18-40 anyos para sa 1st WNBL preseason tournament darating na sa Enero 2021.   “It’s about time. For all female ballers this has always been a dream — to […]

  • PDu30, hindi bahag ang buntot at hindi duwag nang umatras sa debate kay Carpio; Panelo, hinamon ng debate si Carpio

    HINDI kaduwagan o pagka-bahag ng buntot ang ginawang pag-atras ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa debate nito kay retired Supreme Court senior associate justice Antonio Carpio.   Ito ang tugon ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo sa kumalat sa Twitter na hashtag #DuterteDuwag.   Sa halip kasi na si Pangulong Duterte ang makipag-one-on-one debate […]

  • COVID-19 cases sa PNP tumataas

    Kasabay ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID sa hanay ng mga  pulis, inutos ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar sa PNP Administrative Support to Covid-19 Task Force (ASCOTF) na magsagawa ng inventory sa mga gamot at iba pang mga medical supplies na kakailanganin ng mga police personnel.     […]