• October 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sinovac COVID 19 vaccine, parating na sa bansa sa ikatlong linggo ng Pebrero – Malakanyang

PARATING na sa Pilipinas ang bakuna mula sa China na inaasahang tatapos sa COVID 19.

 

Tiniyak ni Presidential Spokesperson Harry Roque na sa Pebreroo 20 ang dating ng Sinovac sa bansa.

 

Sa susunod naman na buwan o sa Marso ay inaasahang maituturok ang bakuna na kung saan ay prayoridad na mabigyan ang mga medical health workers.

 

“Ang sa akin po, sinisikap natin na masimulan iyan nang Pebrero bagamat ang bulto ng mga naunang mga bakuna ay talagang siguro maituturok na iyan nang Marso.

 

Pero puwede naman tayong magsimula at inaasahan natin na mayroon tayong matatanggap galing doon sa tinatawag na COVAX facility – puwedeng Pfizer, puwedeng AstraZeneca, pero sigurado naman po na sa a-beinte (20) ng Pebrero darating po iyong Sinovac,” ayon kay Sec. Roque.

 

Kaugnay nito’y siniguro ni Sec. Roque na handa na din naman ang paglalagyang refrigerator ng mga bakunang paparating sa bansa.

 

Maliban sa RITM ay may mga pribadong sektor kagaya ng Zuellig aniya ang nakausap na ng gobyerno para duon iimbak ang mga COVID 19 vaccine.

 

Sa lahat ng bakuna na paparating ay ang Pfizer naman ang nangangailangan ng sub-zero temperature habang ang iba’y ordinaryong refrigerator lamang ay kakayanin na paglagakan ng vaccine.

 

” Tama po iyan. Pfizer lang naman po iyong sub-zero ang kinakailangan at lahat ng mga bakuna ay ordinary refrigeration lamang. So, handa po tayo diyan lalung-lalo na iyong AstraZeneca at saka iyong Sinovac. Pero pati naman po sa Pfizer dahil kakaunti naman po ang darating mayroon naman po tayong sapat, diyan po sa RITM at hindi lang po sa RITM mayroon din po tayo sa mga pribadong sektor kagaya ng Zuellig at saka iyong tinatawag nating ORCA,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Other News
  • Ads October 30, 2020

  • Pamumuhunan na inaprubahan ng Board of Investments, tumaas ng 11%

    NAGBIGAY  nang malaking tulong ang renewable energy (RE) sa 11 porsiyentong taunang pagtalon sa mga inaprubahang pamumuhunan ng Board of Investments (BOI) sa ngayong taong 2022 habang nilalayon nila ang P1 trillion na halaga ng pamumuhunan sa 2023.     Ang datos na inilabas ng Department of Trade and Industry (DTI) ay nagpakita na ang […]

  • Bisa ng driver’s license, pinalawig hanggang Oktubre 31

    PINALAWIG ng Land Transportation Office (LTO) ang bisa ng driver’s license na mag-e-expire simula Abril 24.     Ito ay batay sa ni­lagdaang memorandum circular ni LTO chief Jay Art Tugade na nagpapalawig sa validity ng driver’s license hanggang Ok­tubre 31 ng kasaluku­yang taon o sa sandaling matapos na ang procurement o ang proseso ng […]