• September 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sinumpaang tungkulin, hindi pinipersonal

HINDI umano personal kundi tinutupad lamang ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez at ng mga miyembro ng Kamara ang kanilang tungkulin ng muling suspendihin si Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. na nagtatago at humingi ng political asylum sa ibang bansa.

 

 

“Hindi natin papayagan na sirain ninuman ang integridad ng kongreso. Walang personalan dito. Ginagawa lamang natin ang sinumpaan nating tungkulin at pangako sa sambayanan,” pahayag ni Speaker Romualdez sa kanyang talumpati bago ang sine die adjournment ng kongreso.

 

 

Ipinaalala nito na bilang kinatawan ay may pananagutan sila sa mga Pilipino na gampananan ang kanilang mandato na maglingkod na may integridad at buong katapatan.

 

 

Kabilang aniya rito ang pagsunod sa Code of Conduct, Rules of the House at Rules of the Committee.

 

 

Ang pagtalima sa mga panuntunan na ito ay sumasalamin sa kredibilidad ng institusyon.

 

 

“I would like to reiterate that as members of this House, we must be accountable to the people at all times and perform our legislative mandates with utmost competence, efficiency, effectiveness, integrity and fidelity to the people’s welfare – nothing less. Let this be a reminder to all of us,” pahayag pa nito.

 

 

Marso ng unang dinggin ng House Committee on Ethics and Privileges ang pagkabigo ni Teves na umuwi sa Pilipinas kahit expired na ang travel authority na ibinigay sa kanya ng Kamara.

 

 

Si Teves ay iniuugnay sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo na kilalang kalaban nito sa pulitika at tumalo sa kanyang kapatid na si Henry Pryde nitong nakalipas na 2022 elections.

 

 

Inirekomenda ng Ethics committee na patawan si Teves ng 60-araw na suspensyon at pinagtibay ito ng mga miyembro ng Kamara.

 

 

Nagtapos ang suspensyon noong Mayo 22 subalit nanatili pa rin si Teves sa ibang bansa at naghain pa ng aplikasyon para sa political asylum sa Timor-Leste.

 

 

Dahil dito, muling nagsagawa ng pagdinig ang Ethics committee na nagrekomenda na muling patawan si Teves ng 60-araw na suspensyon at alisan ng membership sa lahat ng komite.

 

 

Walang tumutol sa muling pagpapataw ng parusa kay Teves na sinang-ayunan ng 285 kongresista. (Ara Romero)

Other News
  • Bagyong Paeng magpapa-ulan sa Undas

    INAASAHAN  na magpapa-ulan sa panahon ng Undas ang bagyong Paeng na nasa bansa na ngayon.     Kahapon alas-11 ng umaga, si Paeng ay huling namataan sa layong 540 kilometro silangan ng Borongan City, Eastern Samar at kumikilos pakanluran timog silangan sa bilis na 10 km bawat oras.     Taglay ni Paeng ang lakas […]

  • Sanhi ng gas explosion sa construction site sa Taguig iniimbestigahan pa – BFP

    Patuloy na iniimbestigahan ng Bureau of Fire Protection (BFP) kung ano ang naging sanhi ng gas leak o gas explosion sa isang construction site sa harap ng Akari Building sa may bahagi ng 21st Drive sa BGC, Taguig kagabi.   Patuloy na iniimbestigahan ng Bureau of Fire Protection (BFP) kung ano ang naging sanhi ng […]

  • “Seoul Vibe” Trailer Unveils this August’s Coolest Crew

    CHECK out the official trailer ( https://www.youtube.com/watch?v=PM4pZG9TkOI) and main ensemble key art for Seoul Vibe starring Yoo Ah-in (as Dong-wook, the supreme driver with perfect drifting skills), Ko Kyung-Pyo (as John Woo, the Club DJ), Lee Kyoo-hyung (as Bok-nam, the human navigator), Park Ju-hyun (as Yoon-hee, the talented motorcyclist) and Ong Seong-wu (as Joon-gi, the […]