• December 1, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sinupalpal ng Malakanyang ang mga nagnanais na makakuha ng kopya ng (SALN) ng Pangulo

TILA sinupalpal ng Malakanyang ang mga nagnanais na makakuha ng kopya ng Statement of Assets, Liabilities and Net worth (SALN) ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

Ininguso at itinuro ni Presidential spokesperson Harry Roque sa mga ito na magpunta ng Ombudsman at doon humingi ng kopya.

 

Ito’y sa kabila ng nagpalabas na ang ahensiya ng access restrictions sa dokumento na nasa kanilang pangangalaga.

 

Kamakailan ay kapansin-pansin na ayaw pag-usapan ng Malakanyang ang SALN ni Pangulong Duterte. Sa harap na rin ng paggigiit ng ilang media entities na makakuha ng kopya ng SALN ng Pangulo subalit bigo ang mga ito.

 

Sinabi ni Sec. Roque na wala sa timing ang hirit sa kopya ng SALN ni Pangulong Duterte dahil katatapos lang ng bagyo at abala ang mga opisyal ng gobyerno sa pagtulong sa mga nasalanta ng kalamidad.

 

“Saka na po natin pag-usapan yan, dito na muna tayo sa bagyo,” ang maiksing tugon ni Roque sa kanyang press briefing nitong Lunes.

 

Pinagpasa-pasahan din umano ang mga humihingi ng kopya sa Malacañang sa kabila ng pagsunod nila sa requirements na itinakda ng Ombudsman. (Daris Jose)

Other News
  • Mga guro makakatanggap ng P1,000 bilang World Teachers’ Day Incentive – DepEd

    Inanunsiyo ng Department of Education na lahat ng mga public teachers ay makakatanggap ng P1,000 additional benefit matapos inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pondo para sa World Teachers’ Day Incentive Benefit (WTDIB).     Sa pahayag na inilabas ng kagawaran, inaprubahan ni Duterte ang P910 million na pondo upang mabigyan ang mga public teachers […]

  • CIDG at Anti-cybercrime group, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon

    NAGPAPATULOY ang ginagawang imbestigasyon ng CIDG at Anti-Cybercrime Group sa umano’y naging paglabag ng mga pulis na humingi ng detalye at affiliation ng mga organizers at volunteers ng community pantries.   Sa Laging Handa briefing, sinabi ni PNP Spokesperson Brig. Gen. Ronaldo Olay, na kabilang din sa pinaiimbestigahan ni PNP chief Debold Sinas ay ang […]

  • National Public Transportation Coalition (NPTC), itinatag

    SA unang pagkakataon ay nagsama-sama ang iba’t bang grupo sa sektor ng transportasyon upang itatag ang National Public Transport Coalition (NPTC).   Mula sa motorcycle-for-hire, tricycles, pampasaherong jeep, UV express, TNVS, taxi, at bus, trucks, at iba pang uri ng public transport, ay nagkaisang susuporta sa bawat isa pagdating sa mga issues na makakaapekto sa […]