‘Sitwasyon sa mga ospital, babantayan muna bago ilagay sa Alert Level 1 ang NCR’
- Published on February 9, 2022
- by @peoplesbalita
HINDI pa masabi sa ngayon ng Department of Health (DOH) kung ligtas na bang ilagay sa ilalim ng Alert Level 1 ang National Capital Region (NCR).
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, susuriin pa nila ang mga “safe places” at mga sitwasyon sa ospital sa NCR bago magdesisyon hinggil sa pagluluwag ng restrictions sa rehiyon.
Ito ay kahit pa nakikita naman aniya nila na magtutuloy-tuloy ang pagbaba ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) cases hanggang sa ikalawang linggo ng Marso.
Iginiit ni Vergeire na hindi pa rin ito sapat para babaan ang alert level sa Metro Manila.
Pebrero 7, sinabi ng infectious disease expert na si Dr. Rontgene Solante na “premature” pa para luwagan ang COVID-19 community quarantine sa Metro Manila mula sa kasalukuyang Alert Level 2 na tatagal hanggang Pebrero 15.
Talamak pa rin kasi aniya sa ngayon ang hawaan kaya kailangan pa ring maging mapagmatyag sa lahat ng oras.
Mababatid na sa ilalim ng Alert Level 1, magiging mas maluwag pa lalo ang galaw ng publiko kahit pa mayroon pa ring restrictions sa ilang mga aktibidad o mga lugar na sarado at masikip. (Gene Adsuara)
-
“Smile 2” Delivers Bolder, Nastier, and Bloodier than its predecessor
PREPARE for ‘Smile 2’, the bold and bloody sequel to the hit psychological horror Smile. Directed by Parker Finn and starring Naomi Scott, the film hits Philippine cinemas on October 16. Writer, director, and producer Parker Finn is back with a vengeance in Smile 2, the highly anticipated sequel to the psychological horror hit […]
-
Babala ni VP Sara, 200 OVP personnel maaaring mawalan ng trabaho dahil sa budget cut
NAGBABALA si Vice President Sara Duterte na posibleng mawalan ng trabaho ang 200 empleyado mula sa Office of the Vice President (OVP) sa gitna ng kapos na alokasyon para sa taong 2025. Sinasabing P733-million na panggastos lamang para sa Office of the Vice President (OVP) ang inaprubahan ng mga senador sa loob lamang ng 10 […]
-
Ads December 27, 2022