Sixers, pinayuko ang defending champion Boston Celtics sa Christmas Day games
- Published on December 27, 2024
- by @peoplesbalita
Pinayuko ng Philadelphia 76ers ang defending champion na Boston Celtics sa Christmas Day games ng NBA, 118 – 114.
Hindi na nakapalag ang Boston sa 4th quarter offense ng Sixers sa kabila pa ng impresibong performance nina Jayson Tatum at Jaylen Brown.
Pinangunahan ng bagitong guard na si Tyrese Maxey ang Sixers at nagbuhos ng 33 points sa loob ng 41 mins na kaniyang paglalaro. Naging maganda rin ang kabuuang play ni Maxey at kumamada ng 12 assists, kasama ang 4 rebounds.
Sa muling pagkababad kay Embiid sa hardcourt, gumawa siya ng 27 points at siyam na rebounds, habang 23 points din ang kontribusyon ng forward na si Caleb Martin.
Sa kabila ng impresibong performance ng dalawang star ng Boston, nagawa ng Sixers na pataubin ito kahit na walong player lamang ang naglaro sa court.
Samantala, tulad ng inaasahan ay muling nagpakitang-gilas si Celtics forward Jayson Tatum at gumawa ng 32 points at 15 rebounds. Solidong 23 points at pitong rebound naman ang ambag ng kaniyang partner na si Brown.
Ang dalawang star player ay kapwa ibinabad ng mahigit 42 mins sa court at tanging sila lamang ang pinaglaro ng mahigit 40 mins.
-
Economic managers suportado ang ‘ayuda’, binasura ang suspensiyon ng fuel excise tax
TUTOL ang mga economic managers ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa panukalang suspendhin ang excise tax sa petroleum products sa gitna ng tumaas na presyo nito. Naniniwala ang mga ito na maaaring makapagbigay ito ng negatibong epekto sa ekonomiya. Sa halip, isinusulong ng economic team ang target na pagtulong […]
-
Pinas, Israel lumagda ng kasunduan na magpapalakas sa economic ties
MAKAKAASA na ang Pilipinas ng mas maraming investors matapos na lumagda ito sa isang kasunduan sa Israel para sa promosyon at proteksyon ng mga pamumuhunan. Kapwa tinintahan nina Philippine Trade Secretary Ramon Lopez at Israel Finance Minister Avigdor Lieberman ang Investment Promotion and Protection Agreement (IPPA) sa Jerusalem, araw ng Martes. […]
-
Pagkilala sa mga pangunahing produkto ng Catanduanes, Davao City at San Jose, Batangas, aprubado
INAPRUBAHAN kahapon ng House Committee on Agriculture and Food na pinangunahan ni Vice Chairman at Negros Occidental Rep. Francisco Benitez ang House Bills 6149, 7460 at 7660 na maggagawad ng pagkilala sa mga mahahalagang produkto ng Catanduanes, Davao City at San Jose, Batangas. Ang HB 6149 na inihain ni TGP Party-list Rep. Jose Teves […]