• April 20, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Siya na raw ang ‘Donnalyn Bartoleme’ part 2: KRIS, nakisawsaw at ipinagtanggol pa ang maling ginawa ni ALEX

MARAMI ang pumuri kay Ria Atayde sa pagiging bagong Calendar Girl niya ng White Castle Whisky.   

 

 

Binali kasi ni Ria ang nakasanayang image o molde ng isang White Castle Whisky Calendar Girl na kailangan payat na payat para masabing sexy.

 

 

Ang iprinisinta rin daw na advocacy ng brand ang dahilan kung bakit napa-oo siya, though, kahit si Ria, aminado na hindi niya na-imagine na magiging Calendar Girl pala siya.

 

 

 

“Noong kinausap kasi nila ko, buo na, ‘yung concept nila about body positivity kaya madali sa akin na mag-yes because it’s also my advocacy.”

 

 

 

Sabi pa niya, “Usually ang calendar girl, there’s a certain mold. That’s why this campaign resonated with me because it’s out to prove that beauty is in all forms, shapes and sizes.

 

 

 

“Definitely, I never thought that I’ll see myself as a calendar girl. If anything that changed, kaya ko pala. Kaya ko pala.

 

 

 

“Actually, I did a birthday shoot but it feels like my personal consumption kind of thing. Pero publicly, kaya pala. I think, it brings confidence in myself also.”

 

 

 

Supportive naman daw sa kanya ang pamilya ever since kaya hindi na niya kailangang magpaalam, kahit sa boyfriend na si Zanjoe Marudo. Na ngayon nga ay out na sila.

 

 

 

At least ngayon, mas open na sila ni Zanjoe at wala rin pagde-deny.

 

 

 

Katwiran niya, “I feel like it’s all out in the open anyway. I don’t think there’s something to deny or confirm. I feel like it’s already out , so take it for what it is, I guess.”

 

 

 

Parang seryosohan na talaga sila dahil nga sa pagiging open na nila sa publiko sa kanilang relasyon.

 

 

 

“Sana po, sana po,” nakangiti niyang sagot.

 

 

 

***

 

 

 

SUMAWSAW pa ang singer na si Kris Lawrence sa isyu ng kanegahan ni Alex Gonzaga.  

 

 

Dinipensahan nito ang naging action ni Alex.

 

 

 

Nag-post ito ng comment na, “People always have something negative to say.  Let’s fast forward and after this event that waiter just went viral, will probably get something after, and a LOT of sympathy.  Most recognition he ever got as a waiter.  So after all the noise… I’m sure he will be grateful that this happened.  Looks like people just like to extract the negative out of things instead of the positive.”

 

 

 

At may kasunod pa itong post na, “So now it’s bad to put cake on someone’s face during a birthday? I thought that was a normal thing.”

 

 

 

Dahil sa mga post at comment na ito ni Kris, nag-land ang pangalan niya sa top trending sa Twitter.  Either intentional o hindi, wagi si Kris sa pagpapa-ingay ng pangalan niya na halos hindi na masyadong namamalayan.

 

 

 

Ilan sa mga mababasang comment ng netizens tungkol sa kanya, “Grabeng pangmamaliit yung “most recognition he ever got” like WTF Kris Lawrence.”

 

 

 

“So utang na loob at dapat ipagpasalamat pa ata ni Kuya Allan ang nangyari sa kaniyang kahihiyan sa kamay ni malditang Alex Gonzaga. Ayon iyan sa bibliya ni Kris Lawrence.

 

 

 

“Kausapin niyo nga ‘yang La Ocean na songerette na ‘yan. KLK.”

 

 

 

“I never though Kris Lawrence will be this shallow. Well I guess the last picture shows. Another Donnalyn Bartolome wanna be. Dude, Alex Gonzaga is fucking rude. Calling out her bad attitude is not bullying. It’s just us letting her know.”

 

 

 

“Congrats to kris lawrence on achieving the most recognition he will ever get as a singer.”

 

 

 

“Imagine someone celebrating their birthday on a Kris Lawrence gig, he sings them happy birthday, and they surprisingly smeared a cake icing on his face while he is performing/working on stage. Yeah that seems pretty normal to me.”

 

 

 

Mababasa rin na si Kris daw ang Donnalyn Bartoleme part 2, huh!

 

(ROSE GARCIA)

Other News
  • VACCINATION CARD SA PAMPUBLIKONG PALENGKE, INISPEKSIYON NG DOH

    NAGSAGAWA ng inspeksiyon ang Department of Health (DOH)  sa mga vaccination cards sa mga may-ari ng puwesto sa isang pampublikong palengke upang masiguro na nakumpleto nila ang kanilang bakuna.     Pinangunahan ng inspeksiyon ni DOH-Ilocos Region Licensing Officer  Charito Buado kasama ang Malasique Rural Health Unit ang inspeksiyon sa Malasique Public Market sa Malasique […]

  • Philippine Charity Sweepstakes Office, todo pasalamat sa PNP na paiigtingin ang pagsugpo sa illegal gambling

    IKINATUWA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang pangako ng Philippine National Police (PNP) na paigtingin ang kanilang pagsugpo sa illegal gambling sa bansa.     Makakatulong ito sa ahensya na makapagbigay ng mas magandang serbisyo sa publiko.     Kung matatandaan, nagbigay ng pangako si PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. kay Philippine Charity […]

  • PDu30, nagtalaga ng Crisis Manager sa mga lugar na labis na hinagupit ng bagyong Odette

    PANGANGASIWAAN ni DSWD Secretary Rolando Bautista ang Crisis Management Group na tututok sa mabilis na paghahatid ng kailangang tulong para sa mga residenteng lubhang tinamaan ng nagdaang bagyong Odette.   Ayon kay Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, partikular na pinatututukan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Bautista ang Siargao, Dinagat Island at […]