Slaughter, Aguilar medya pa lang ang pag-eensayo
- Published on February 23, 2021
- by @peoplesbalita
NAG-BONDING na uli sa hardcourt ang ‘kambal na tore’ ng Barangay Ginebra San Miguel na sina Gregory William ‘Greg’ Slaughter at Japeth Paul Aguilar, ayon sa isang social media account post ng huli nito lang isang araw.
Sa Instagram story ni Slaughter, 32, isang maikling clip na kinuhanan sa isang gym sa Pasig City ang nagpatunay sa pagbabalik sa Gin Kings ni ‘GregZilla’ na may caption na “back in the lab w/my twin @japethaguilar35 hand down man down” sa alalay lang munang praktis ng dalawa.
Nag-sorry noong Disyembre ang seven-footer Fil-Am center sa mga opisyal ng San Miguel Corporation sa pangunguna nina team owner Ramon Ang at SMC sports director at BGSM governor/team manager Alfrancis Chua dahil sa biglaang kanyang desisyong basta na lang pagsibat sa koponan pa-Amerika noong Enero 2020.
Pagkaraan pinatawad naman siya at pumirma sa buwang ito ng bagong kontrata na napaso sa unang buwan nang nagdaan taon ngayong Pebrero para muling makipag-ensayo na sa kakampi sa alak para sa 46th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2021 sa Abril 9.
Huling naglaro sa 44th season sa Ginebra si Slaughter at nag-average ng 9.6 points, 6.4 rebounds, 1.0 assists at 0.9 blocks. (REC)
-
SHARON, mag-isang umalis ng bansa at humihiling na ipagdasal siya; emosyonal na nagpaalam sa pamilya
NOONG May 11, mag-isa ngang umalis si Megastar Sharon Cuneta papunta sa isang bansa na hindi niya binanggit pero maraming humuhula na ito ay sa Amerika. Sa Instagram post ni Mega, pinakita niya ang mga photos ng malungkot na nagpapaalam sa kanyang asawang si Sen. Kiko Pangilinan at sa tatlong anak na sina […]
-
41 NA BANSA NASA GREEN LIST, 8 NANANATILI SA RED LIST
INANUNSIYO ng Bureau of Immigration (BI) na magpapatupad sila ng pinakabagong polisiya sa bansa hinggil sa green, yellow at red lists. Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, 41 na bansa ang nakasama na sa green list na itinakda ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases. Ang mga […]
-
Grand slam sa Cool Smashers
HUMATAW si American import Erica Staunton ng 29 points mula sa 26 attacks, dalawang aces at isang block, habang may 27 markers si Bernadeth Pons. Nauna nang nagreyna ang Creamline sa nakaraang 2024 All-Filipino Conference kontra sa Choco Mucho at Reinforced Conference laban sa Akari para sa kanilang ‘three-peat’. Ang championship point […]