• March 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SLP tutuklas ng bagong talento sa Pilipinas

HAHANAP ang Swim League Philippines (SLP) ng mga bagitong tankers sa iba’t ibang panig ng Pilipinas sa pagdaraos nito ng 2022 Finis Short Course Swim Competition Series.

 

 

Unang aarangkada ang Luzon Leg na idaraos sa Marso 26 hanggang 27 sa New Clark City Swimming Pool sa Capas, Tarlac upang mabigyan ng tsansa ang mga nasa rehiyon para magpasiklab.

 

 

Darayo rin ang national series sa Visayas para naman sa second leg ng torneo na gaganapin sa Abril 23 hanggang 24 habang aariba din ang Mindanao Leg sa Mayo 28 hanggang 29.

 

 

Gaganapin naman ang National Finals sa Hunyo 4 hanggang 5.

 

 

Ang torneo ang magsisilbing qualifying para sa international competitions na lalahukan ng SLP sa Japan, Australia, France, US, Canada, Singapore, Thailand at Hong Kong.

 

 

“This event is open to all young and aspiring swimmers who want to be part of the SLP team competing in different international tournaments. We are looking forward to discovering more fresh talents,” ani SLP chairman at Behrouz Elite Swimming Team (BEST) team manager Joan Mojdeh.

 

 

Paglalabanan ang medalya sa walong ka­tegorya 6-under, 7 to 8 years old, 9 to 10 years old, 11 to 12 years old, 13 to 14 years old, 15 to 16 years old, 17 to 18 years old at ang 19-above.

Other News
  • Pinas, kailangang maging handa para sa “worst” Covid-19 situation

    KAILANGANG maging handa ng Pilipinas para sa “worst” COVID-19 situation, lalo pa’t mas maraming nakahahawang variants ng novel coronavirus ang nagkalat ngayon sa buong mundo.   “The pandemic is getting “hotter and more dangerous” as COVID-19 variants could pose “a problem discovering new vaccines,” ayon kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang Talk to the […]

  • NBA legend Dikembe Mutombo patuloy na ginagamot dahil sa brain tumor

    PATULOY  na nagpapagamot ang dating NBA Hall of Famer Dikembee Mutombo dahil sa brain tumor.     Ayon sa NBA na may mga doctor sa Atlanta ang tumitingin sa dating basketbolista.     Humingi naman ng privacy ang kaanak nito sa nasabing usapin.     Ang dating center ay naglaro ng 18 season sa NBA […]

  • ‘Dito at Doon’, Proceeds With March 31 Online Release

    TBA Studios’ upcoming film Dito at Doon starring JC Santos and Janine Gutierrez, proceeds with its scheduled online release on March 31, 2021.      The theatrical nationwide release on March 17 is on hold due to health and safety concerns, amid rising cases of COVID-19.     The change comes after careful decision among […]