• April 27, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sobrang grateful na, win or lose: KATHRYN, ‘di nag-e-expect sa kahit anong nomination

KINUMPIRMA sa amin ng isang ABS-CBN insider ang pagbabalik Star Cinema ng aktres na si Kim Chiu. 
Gagawa muli ng isang bagong pelikula ang aktres.
Matagal-tagal na ring hindi nakagawa ng movie si Kim under Star Cinema kaya for sure matutuwa ang mg tagahanga ng aktres.
Ang huling pelikula ni Kim under Star Cinema ay ang horror movie na “U Turn” last 2020.
Kasalukuyang pinagkakaabalahan ni Kim ay ang super hit na primetime series na ‘Linlang’, na talagang pinag uusapan sa apat na sulok ng showbiz.
Laging trending naman ang Philippine  version ng ‘What’s Wrong With Secretary’ Kim” na siyempre sina Kim at Paulo Avelino ang mga bida.
Kahit kapwa wala pang pag-amin mula sa dalawa ay mga nagsasabing may relasyon na sina Paulo at Kim.
Mismong kapwa taga kapamilya mila ang nagbulong sa amin na magdyowa na raw ang dalawa.
Sa kasalukuyan, bukod sa pagiging regular sa ‘ASAP Natin ‘To’, nasa ‘It’s Showtime’ rin siya na lagi ring trending.
Abangan na lang natin kung sino ang mga makakasama ni Kim sa gagawin niyang movie na maaring maging entry ng Star Cinema sa Metro Manila Film Festival.
***
HALOS lahat ng mga kilalang award giving bodies ay isa sa mga nominado bilang “best actress” ang kapamilyang si Kathryn Bernardo.
İsa sa mga best actress nominee si Kathryn para sa ‘A Very Good Girl’ sa 72nd Filipino Academy of Movie Arts and Sciences o FAMAS awards night na gaganapin sa May 26.
Makakalaban ni Kath sina Maricel Soriano para sa ‘In His Mother’s Eyes’, Charlie Dizon para sa ‘Third World Romance’, Marian Rivera para sa ‘Rewind”, Sharon Cuneta para sa ‘Family of Two’ at Eugene Domingo para sa ‘Becky & Badette’.
Hindi na kasama si Vilma Santos para sana sa pekulang “When I Meet You In Tokyo” dahil Hall of Famer na ang Star for all Seasons sa naturang award giving body.
Best actress nominee pa rin si Kathryn sa para sa naturang pelikula nila ni Dolly de Leon sa gaganaping 47th Gawad Urian sa June 8. Sina Gabby Padilla para sa ‘Gitling’, Max Eigenmann para sa ‘Raging Grace’ at Charlie Dizon para sa ‘Third World Romance’ naman ang makakatunggali naman ni Kathryn. Hall of Famer na rin si Ate Vi sa naturang award giving body.
Siyempre, happy si Kath dahil sa nakuhang nominasyon
“I’m super grateful. Actually, no’ng nakita ko ‘yung nomination, hindi pa siya nag-sink in sa akin until the producer messaged me. Then do’n lang slowly nag-sink in sa akin and that’s a first for me,” tuwang-tuwa pang pahayag ni Kathryn.
Pero kung yung iba ay nagkandarapa at pray na sila Ang msnanal ay Hindi raw umaasa si Kathryn na masungkit niya kahit isa man lang sa mga tropeo as Best Actress award.
Para kay Kath ay sapat na raw na maging nominado siya kahanay ng mga magagaling na artista.
Kumbaga ang mapansin daw ang akting niya para sa kanyang ginawang pelikula ay sapat na raw
“I’m not expecting anything. Actually, kahit nomination lang hindi ko ini-expect. So I’m just really grateful so win or lose, deserve din ng other nominees ‘yon,” lahad pa ng  dalaga.
Kamakailan ay pinarangalan naman bilang Box Office Queen si Kathryn sa ginanap na Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation.
Para sa aktres ay talagang makabuluhan ang ‘A Very Good Girl’ at marami siyang natutunan mula sa pinagbidahang pelikula.
“A project that’s always gonna be close to my heart because of what it represents. A brave material about powerful women. It’s about women who are not afraid to go after what they want, to fight what is right.
“Hanggang sa matapos naming i-film ito, ‘yung mga lessons na iniwan sa akin nito, I will be bringing them to m y heart and to my life,” bahagi pa ng acceptance speech ni  Kath nang tanggapin niya ang Box Office Queen award.
(JIMI C. ESCALA) 
Other News
  • 3 patay sa sunog sa Caloocan

    TATLONG katao, kabilang ang isang tatlong taong gulang na batang babae ang nasawi matapos makulong sa nasusunog nilang bahay sa Caloocan City, Lunes ng madaling araw.   Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Beatris Oralio Alegria, 64, Vicente Junior Oralio Alegria, 65, at Althea Oralio, 3- anyos, pawang ng Kamagong St. Pangarap Village, Brgy. […]

  • GSIS, nag-alok ng emergency loan para sa mga lugar na tinamaan ng kalamidad sa Mindanao, Laguna

    MAAARI nang mag-apply ng emergency loan ang mga miyembro at pensiyonado ng Government Service Insurance System (GSIS) sa mga calamity-hit areas sa Mindanao at Laguna.     Ito’y matapos na isailalim sa state of calamity ang mga bayan ng Pikit at Kabacan sa Cotabato kasunod ng pananalasa ng mga bagyong Butchoy at Carina, at maging […]

  • Advance Information System, ilulunsad ng BI

    NAKATAKDANG ilunsad ng Bureau of Immigration (BI) ang  Philippines’ Advance Passenger Information System (APIS), isang hakbang  tungo sa modernisasyon  ng border security  at a major step in modernizing border security and streamlining immigration processes,  kasunod sa kautusan ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr na  ayusin ang  national security sa pamagitan ng  digital transformation.   Ang APIS ay […]