• March 26, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sobrang happy na naging partner si Jillian: MICHAEL, pinipilit na hindi maapektuhan ng mga namba-bash

MAGANDA ang pasok ng taong 2025 kay Michael Sager dahil leading man na siya ni Jillian Ward sa ‘My Ilonggo Girl.
Ano ang masasabi niya tungkol dito?
Aniya, “It’s an important reminder to really be thankful for this.
I thank the Lord every day, and I’m grateful, and I don’t want to take it for granted.
“Kasi nga I didn’t expect this po, unexpected itong My Ilonggo Girl, but masaya ako and for me, it’s just a reminder to really give it my all.
“Kasi sayang ang opportunity, I mean, the network entrusted me with such a big project, partner ko pa si Jill.
“So sabi ko, there’s no time to waste na.
“It’s my time to really step up, and do better in my craft. Lahat ng mga comments sa mga past work ko, sa Shining Inheritance, binabasa ko lahat so that I can really improve.
“Kasi kung naba-bash man ako, I don’t want to see it super negatively. I want to see it positively na, okay, that’s where I can improve, and that’s what I want to apply.”
Aminado si Michael na nakakaranas rin siya ng pamba-bash tulad ng ibang artista.
“Meron naman po,” pakli niya.
Ano ang pinakamasakit na pintas ang ipinukol na sa kanya?
“Yung mga pinakamasakit… well, hindi ko naman ina-allow na masaktan ako ng todo. But of course, hindi mo maiwasan, I mean, I’m just human.”
Ano, halimbawa?
“About my acting.
“Siguro that’s something I’m very careful about kasi yung acting ko, iyon yung ginagawa ko, iyon yung craft ko.
So I don’t really take it in such a negative light, I just look at what I have to look at and accept.
“Sinabi rin ni Sir Erickson sa akin, yung manager ko sa Cornerstone, he said, ‘When you look at bashers, para hindi ka ma-stress, yung nababasa mo, if important talaga, it will reach you’, and that really affected me. 
“Kasi siguro, instead of focusing on the negative stuff, minsan madadala ka, e.
“So ako, kung may criticism, yes, and then positive na lang para mas magtuloy-tuloy na lang yung energy.”
Sa ‘Prinsesa ng City Jail’ ay may mga shirtless scenes si Allen Ansay.
Si Michael ay mayroon rin sa ‘My Ilonggo Girl.
Magkaibigan sina Michael at Allen.
“Si Allen, proud ako sa kanya, nakasama ko yun sa All Out Sundays and tuwang-tuwa ako sa kanya, and ako naman po, nagwu-work out ako everyday para sa show na ‘to,” at tumawa si Michael.
 
(ROMMEL L. GONZALES)
Other News
  • Nangakong magiging Ate kina Andi at Gwen: CLAUDINE, sobrang naapektuhan sa pagpanaw ni JACLYN na itunuring na ina

    SOBRANG naapektuhan si Claudine Barretto sa biglaang pagpanaw ng premyadong aktres na si Jacklyn Jose, na itinuring na rin niyang ina.   Sa kanyang Instagram account, pinost niya ang photo nila ni Jaclyn kasama si Direk Wenn Deramas.   Nagkasama silang tatlo sa Kapamilya series na “Mula Sa Puso na napanood noong 1997 hanggang 1999 […]

  • Mahigit 64,000 job vacancies sa bansa at abroad, magbubukas para sa isasagawang job fair kasabay ng Labor Day

    AABOT sa mahigit 64,000 job vacancies sa bansa at abroad ang magbubukas kasabay ng pagdiriwang ng Labor day sa Mayo 1.     Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), nasa kabuuang 52,237 trabaho para sa local employment habang nasa 12,248 job vacancies naman sa iba’t ibang bansa.     Ilan sa pangunahing bakanteng […]

  • MVP pinuri ang Gilas; sinuportahan si Chot

    PINURI ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) chairman emeritus Manny V. Pangilinan ang panalo ng Gilas Pilipinas sa bisitang Saudi Arabia sa fourth window ng FIBA World Cup Asian qualifiers kamakalawa ng gabi.     “Nice game tonight, Gilas. Thank you,” wika ni Pangilinan sa 84-46 paglampaso ng Nationals sa mga Saudis.     Kumolekta […]