
IPINAGDIINAN ng direktor na si Mike Sandejas nasa 30% lang ng pelikula ‘Sinagtala’ ang musical at ang natitira ay iikot sa drama ng buhay ng mga musikero, na kapupulutan ng mga aral sa buhay.
Pinagbibidahan ito nina Rhian Ramos, Glaiza de Castro, at Arci Muñoz kasama sina Rayver Cruz at Matt Lozano.
Sa media con ng ‘Sinagtala’ na ginanap sa Seda Vertis North sa Quezon City, natanong si Rhian sa pagiging drummer niya at bilang mang-aawit na rin.
Kuwento niya, “nakapag-drum lessons ako noon, siguro first year high school.
“And yun din ang naging dahilan kung bakit ako naging artista. Kasi gusto kong bumili ng drum set, pero hindi namin afford.
“And then, may lumapit sa akin sa mall dahil gusto nila gawin akong commercial model.
“So, gusto ko lang bumili ng drumset at yun ang purpose, yun talaga ang dahilan kung bakit ako nasali sa showbiz at nabili ko naman.
“And then, dahil nag-focus na ako sa showbiz, hindi ko na nagamit ang drum set, tapos pinamigay ko na siya, how many years later.”
Dagdag pa niya, “little did I know na matutuloy pala ang movie na ito, na dapat marunong akong mag-drums.
“So, nag-start uli ako na mag-practice-practice, nag-lesson ulit ako, para naman ma-shoot namin ang mga eksenang nagda-drums ako.”
Naniniwala rin si Rhian na tama ang timing ng pagpapalabas ng ‘Sinagtala’ sa April 2.
“Yung timing is something na makakatulong sa movie that help us to get more views,” pananaw ng premyadong aktres.
“I think this is the time of year where we are Filipinos since it is a Catholic Christian country, we’re all looking for our connection.
“We want to feel more connected spiritually.
“And i just feel like there’s a reason kung bakit ito ang nakuha naming playdate. Because I think, we have something that people will be looking for and that people need to hear.
“Hopefully a lot of people watch this movie because it’s touched us individually in so many ways.
“And even the process of making the movie, or writing it or filming it, has already save lives.
“So I feel like, when people watch it, it will saves more.”
Pagbabahagi pa ni Rhian na pagkatapos daw maabot ang mga layuning magkaroon ng magandang pamumuhay, dapat balikan sa iyong hilig…
“Makaka-relate lahat ng artists na they found their work dun sa art nila na nagsimula sa passion na kapag naging negosyo siya nagbabago siya.
“Ang isang bagay na lumaki kang pinapangarap ay nagiging higit pa tungkol sa pera, katanyagan. Iba na ‘yung iniisip mo kung ano ba ‘yung success.
“I feel connected to my character in a sense na para bang finding yourself again na nahahanap mo ulit ‘yung center mo dun sa passion at pagmamahal mo sa ginagawa mo just realizing how lucky you are to just get to do your craft,” pahayag pa niya.
Anyway, nais ng direktor na maramdaman ng mga manonood ang paglalakbay ng bawat karakter habang nagugustuhan din ang mga orihinal na musikang ginamit sa pelikula.
Nakilala si Direk Mike sa mga pelikulang “Tulad Ng Dati” (2006) at “Dinig Sana Kita” (2009), na parehong pinuri sa Cinemalaya.
Ang ‘Sinagtala’ ay prinodyus ng Sinagtala Productions at ipalalabas sa mga sinehan sa Abril 2.
(ROHN ROMULO)