• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SoKor, aprubado na ang halos P30-M na tulong sa mga biktima ng magkakasunod na bagyo sa PH

Aprubado na ng South Korea ang $500,000 o katumbas ng mahigit P29 million na tulong para sa mga biktima ng magkakasunod na bagyo sa Pilipinas.

 

Ang naturang tulong ay idadaan sa pamamagitan ng World Food Programme (WFP).

 

 

Ayon sa Korean Embassy, magagamit ang naturang pondo para sa recovery o tuluyang pagbangon ng mga residente sa mga lugar na labis na tinamaan ng magkakasunod na bagyo.

 

 

Pangunahin sa mga paglalaanan nito ay ang relief distribution sa mga apektadong lugar.

 

 

Maaalalang sa loob lamang ng ilang linggo ay tatlong magkakasunod na bagyo ang nanalasa sa bansa kung saan milyun-milyong residente ang naapektuhan.

Other News
  • COVID-19 sa Metro Manila, bumaba – OCTA

    PATULOY ang pag­baba ng COVID-19 weekly positivity rate sa Metro Manila batay sa latest data ng OCTA Research Group.     Ang positivity rate ay ang bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 makaraang masuri sa virus.     Batay sa inila­bas na datos ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David, nitong May 28 ay bumaba […]

  • Cariaso mananatili sa Converge

    MANANATILI  sa Converge ang coaching staff ng Alaska Aces sa oras na simulan ang kampanya nito sa PBA Season 47.   Kabilang sa mga mananatili si Aces head coach Jeffrey Cariaso kasama sina Joe Silva, Danny Ildefonso at Franco Atienza.     Nais ni team governor at dating PBA commissio­ner Chito Salud na maka­buo muna […]

  • DINGDONG, personal na naranasan ang hirap ng isang delivery rider; MARIAN, muling ipinasilip ang ‘bikini body’

    PERSONAL na naranasan ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ang matinding hirap na pinagdaraanan ng isang delivery rider.     Noong Valentine’s Day, isa nga si Dingdong sa nag-deliver sa natanggap na orders sa kanilang delivery app business na DingDong na ni-launch last year at may masuwerteng nakatanggap din ng regalo mula sa Dunkin’ Donuts […]