SOKOR National na wanted sa illegal online gambling, inaresto ng BI
- Published on October 17, 2020
- by @peoplesbalita
INARESTO ng Bureau of Immigration (BI) ang siang puganteng South Korean national na wanted sa kanilang bansa dahil sa pagkakasangkot sa llegal online gambling.
Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na si Choi Sungsun, 33, ay inaresto sa kanyang tinutuluyan sa San Juan City ng mga operatiba ng bureau’s fugitive search unit (FSU) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).
Ang pagkakaaresto kay Choi ay bunsod sa mission order na inisyu ni Morente matapos ipaalam ng mga awtoridad ng South Korean na ang suspek ay nagtatago sa bansa.
Ayon naman kay BI FSU Chief Bobby Raquepo, si Choi ay kasama sa Interpol red notice na inisyu noong August 11, matapos nag-isyu ang Busan court ng warrant of arrest laban sa kanya.
Si Choi ay kinasuhan ng fraud sa korte sa kanilang bansa dahil sa pago-operate ng illegal gambling sites sa internet at nagtayo rin ng private online gambling sites sa Pilipinas.
Ang suspek ay kasalukuyang nakadetine sa CIDG habang hinihintay ang resulta ng kanyang COVID-19 swab test.
“He will be sent back to South Korea after the BI board of commissioners issues the order for his summary deportation. Afterwards he will be blacklisted and banned from re-entering the Philippines.” ayon kay Morente. (Gene Adsuara)
-
Ads January 16, 2023
-
Kahit naka-focus sa kanyang launching series: HERLENE, desidido na talaga sa pagsali sa ‘Miss Grand Philippines 2023’
SASALI muli si Herlene Budol sa isang beauty pageant! Ayon kay Herlene ay ito na ang tamang panahon na sumali siyang muli sa beauty pageant sa pamamagitan ng Miss Grand Philippines 2023 matapos mag-withdraw sa Miss Planet International 2022 nang makaranas ng samu’t saring aberya. “Pag pinatagal ko pa, baka makalimutan […]
-
PDu30, kinunsiderang palitan sa puwesto si Customs chief Rey Guerrero
UMAMIN si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na kanyang ikinunsidera na palitan na si retired general Reynaldo Guerrero bilang pinuno ng Bureau of Customs (BOC). Subalit nilinaw ng Pangulo na hindi ito dahil sa korapsiyon kundi dahil sa ipinagkakaloob nitong tiwala sa mga taong hindi naman dapat pagtiwalaan. Special mention dito ng Pangulo si […]