• March 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sotto mabilis makaagapay sa sistema ng Gilas

Mabilis na nakaagapay si Kai Sotto sa sistema ng coaching staff na magandang indikasyon para sa Gilas Pilipinas sa kam­panya nito sa FIBA Asia Cup Qualifiers.

 

 

Mismong si Gilas Pilipinas assistant coach Jong Uichico na ang nagpatunay na mataas ang basketball knowledge ni Sotto.

 

 

Sinabi pa ni Uichico na hindi ito mahirap turuan dahil madali itong makapickup ng mga itinuturo sa kanya.

 

 

Pinatunayan ito ni Sotto sa kanyang unang pagsalang na kasama ang Gilas Pilipinas sa training.

 

 

Kailangan lamang ng ilang araw pang ensayo para lubos na makasama sa sistema ng Pinoy squad.

 

 

“For me, I don’t r­eally find anything hard to learn. I think that’s one of my strengths. I’m a fast learner and fast to adjust. I need just a couple of days to learn all of Coach Tab’s system, plays, and schemes,” ani Sotto.

 

 

Nagiging madali ang lahat kay Sotto dahil kasama nito sa training si Gilas coaching staff member Sandy Arespacochaga na dating head coach ng Gilas Youth.

 

 

“It’s been easier since Coach Sandy has been on my side in the practices, helping me and telling me what I should or should not do. It’s been really good,” dagdag ni Sotto.

 

 

Bantay-sarado rin ang kundisyon ng katawan ni Sotto upang mas lalo pa itong lumakas sa loob ng court.

 

 

Masaya si Sotto na makasama nito ang Gilas Pilipinas na itinuturing nitong bagong pamilya. Kaya naman hindi na­ging mahirap ang adjustment para sa Pinoy cager.

Other News
  • Sa prestigious 26th Tallinn Black Nights Film Festival: THERESE, proud na nag-iisang Asian at pinakabatang jury member

    NINANAMNAM ng award-winning Kapuso actress na si Therese Malvar ang pagkakasama sa kanya bilang jury member sa prestigious 26th Tallinn Black Nights Film Festival na ginanap sa bansang Estonia.     Sa First Feature Competition category ng naturang festival umupo bilang jury si Therese.     Sa kanyang pinost sa Instagram, nag-share siya ng kanyang […]

  • Naomi Osaka, nagreyna vs Jennifer Brady para madagit ang 2nd Australian Open title

    Ibinulsa ni Naomi Osaka ang kanyang ikalawang Australian Open title makaraang manaig kontra kay Jennifer Brady.     Bagama’t napakatindi ng labanan sa first set, naging malaki ang pakinabang si Osaka sa kanyang karanasan upang maabot ang 6-4 6-3 panalo sa loob lamang ng isa’t kalahating oras.     Dahil din sa panalo, nakuha ni […]

  • Binigyan ng second chance pero walang pagbabago: JENNICA, tuloy ang pag-file para ma-annul ang kasal nila ni ALWYN

    TULOY na ang pag-file ni Jennica Garcia para ma-annul ang kasal nila ng kanyang estranged husband na si Alwyn Uytingco.       Mas makabubuti raw ang annulment para tuluyan na silang maging malaya sa isa’t isa dahil wala na raw talagang balikan na maasahan sa kanilang dalawa.       Binigyan daw ni Jennica […]