Sotto nagningning para sa 36ers
- Published on January 27, 2022
- by @peoplesbalita
MAS maganda ang inilaro ni Kai Sotto sa kanyang third game sa Adelaide 36ers.
Subalit hindi pa rin ito sapat para tulungan ang kanyang tropa matapos lasapin ng Adelaide ang 89-100 kabiguan sa kamay ng Illawarra sa 2021-22 Australia National Basketball League na ginanap sa WIN Entertainment Centre.
Nakalikom ang 7-foot-3 Pinoy cager ng 12 puntos tampok ang perpektong 8-of-8 sa freethrow line habang nagdagdag pa ito ng limang rebounds sa kanyang 13 minutong paglalaro.
Nanguna para sa 36ers si Sunday Dech na naglista ng 20 markers kabilang ang anim na three-pointers habang naglista naman si Todd Withers ng 15 points.
Nag-ambag pa si Daniel Johnson ng 10 points at walong rebounds at si Cameron Bairstow ng walong puntos at 10 boards para sa Adelaide.
Nahulog ang Adelaide sa 3-5 marka.
Umangat naman ang Illawarra sa 5-3 baraha kung saan nagningning si Harry Froling na may 27 puntos kabilang ang walong triples.
Nagsumite pa si Tyler Harvey ng 19 markers habang naglista naman si Sam Froling ng 18 points para sa kanilang tropa.
Sunod na makakasagupa ng Adelaide ang Tasmania sa Biyernes.
-
Pamamahagi ng fuel subsidy sa jeepney drivers, umarangkada na – LTFRB
Nagsimula nang magkaloob ang pamahalaan ng fuel subsidies na may halagang P1 bilyon para sa may 136,000 driver ng pampasaherong jeep upang maibsan ang epektong dulot sa patuloy na pagtaas ng halaga ng petroleum products. Ito ay makaraang ilunsad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang ‘Pantawid Pasada Fuel Program’ (PPP) […]
-
Validators, ide-deploy para sa food stamp program-DSWD
NAKATAKDANG mag-deploy ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng mga validators para sa rehistrasyon at balidasyon ng 300,000 target na pamilya bilang paghahanda sa ‘full-scale implementation’ ng ‘Walang Gutom 2027: Food Stamp Program” sa darating na Hulyo. Sinabi ni DSWD Undersecretary for Innovations Eduardo Punay na ang programa ay mayroong three- […]
-
Migz Zubiri, binigyan ng misyon ni Pope Francis: ‘Protektahan ang pamilyang Pilipino’
MAY pakiusap si Pope Francis kay dating Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri noong bumisita siya sa Vatican nitong ika-5 ng Hunyo. Sa pahayag ni Zubiri na binigyan ng misyon ng 87 years old na Santo Papa, “Pinakiusapan ako ni Pope Francis to ‘protect the family,’ at isasapuso ko ang sinabi niyang ito.” Nakita ni […]