Sotto pinayuhan ng Kano
- Published on March 3, 2021
- by @peoplesbalita
TINAGUBILINAN ng Amerikanong coach na kasalukuyang nagmamando sa Thailand national men’s basketball team na si Chris Daleo si National Basketball Association (NBA) prospect Kai Zachary Sotto.
Aniya kamakalawa, pagtuunan na lang muna ng 18 taon, may taas na 7-3, at tubong Las Piñas, ang kanyang talento at iwasan ang maraming asungot na humawak sa napakamura pa lang niyang karera sa basketball.
Pinarating nang nagmamalasakit sa Pinoy cage phenom ang abiso sa social media account na @DaleoChris, base na rin sa kanyang mga pinagdaanan, giniit na marami ring mahuhusay siyang nahawakang basketbolista pero bigla ring bumagsak dahil sa dami ng handlers.
“Over my years I coached great phenoms, Lenny Cooke and Ronnie Fields. Great players with unlimited potential, but many handlers. Sadly, with so many voices trying to dictate the direction of the player, hyping the player, and always jumping spot to spot, The players never made it,” diin ng Thai mentor.
Buhat ang sentimyento niya sa maling desisyon ng East West Private (EWP) sa paghawak kay Sotto.
Nasa Tate na ang binate para maglaro sa Ignite Team ng 20th NBA G League 2021 sa Orlando, Florida. Pero pinabalik pa ng ‘Pinas sa kabila na napakahigpit ng pagbiyahe dahil sa pandemya kaya pagbalik ng Estados Unidos hindi na tinanggap ng koponan.
Pumarito ang cager para saklolohan ang national team na pa-30th International Basketball Federation (Fiba) Asia Cup 2021 Qualifiers third and final window, pero kinansela pati nang ilipat ang event sa Doha, Qatar sanhi ng pandemya.
Tinanggap pa agad ng US handler na Ohio-based management firm (EWP), ang pabuya ng G League kay Sotto para mawala ang amateur status nito, ban nang maglaro sa US National Collegiate Athletic Association (NCAA), kahitr sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP).
Payo rin ng Opensa Depensa sa iyo Kai, at sa iyong ama, nakakasira rin sa media ang marami mong asungot. Kaya tsugiin ang iba o magbawas ka. (REC)
-
LIZA, nag-react sa poster ng ‘Tililing’ at sinabing “Mental health is NOT a joke. Stop the stigma”
IBA talaga si Liza Soberano. Isa siya sa mga kabataang artista ngayon na hindi lang puro ganda. Kung lalaki lang ‘to, madaling sabihin na may ‘balls’ kasi. Talent-wise, na-prove naman ni Liza na hindi lang talaga siya pretty face at talagang may ibubuga sa aktingan. At bukod dito, siya rin yung may pakialam […]
-
Thankful sila sa season 2 ng sitcom: Sen. BONG, puring-puri pa rin ang leading lady na si BEAUTY
LABIS ang pasasalamat ni Senator Ramon “Bong” Revilla. Jr. sa GMA dahil sa season 2 ng ‘Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis’. Lahad ni Senator Bong, “I’m very thankful sa GMA dahil sa tiwala na ibinigay nila sa akin. At mas pinalaki pa na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na […]
-
Suhestiyong extension ng MRT-LRT ops, huwag agad ibasura
UMAPELA ang Akbayan Partylist sa Department of Transportation (DOTr) na pagisipan muli ang desisyon nitong ibasura ang suhestiyon na palawigin ang operating hours ng mga rail systems—LRT-1, LRT-2, at MRT-3. Hinikayat pa ng partylist ang ahensiya na makipagdayalogo sa mga commuters at sagutin ang kanilang hinaing. “Makinig at makisimpatiya naman ang DOTr […]