• September 27, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sotto swak pa rin para sa Gilas ‘Pinas training pool

IPINAHAYAG ng Samahang Basketbol ng Pilipinas Inc. (SBPI)  na kabilang pa rin para sa Gilas Pilipinas training pool si National Basketball Association (NBA) prospect Kai Zachary Sotto.

 

 

“He’s part of the list so we just have to talk to him, reach out to him again, we haven’t finalized our calendar yet, but once we do we will have share with him what the plan is,” salaysay ni SBP president Alfredo Panlilio nitong Martes ng gabi.

 

 

Bulilyaso ang binyag sa national men’s team ng 18-anyos, 7-3 ang taas na Pinoy cage phenom para sa third and final window ng 30th International Basketball Federation (FIBA)  Asia Cup Qualifiers 2021 sa ‘Pinas at sa Doha nitong Pebrero sanhi ng Coronavirus Disease 2019.

 

 

Sumalto rin ang  tubong Las Piñas na basketbolista  para sa Ignite Team ng 20th NBA G League 2021 sa nakalipas na buwan dahil sa pag-uwi ng ‘Pinas at pagbalik ng Estados Unidos, pinigilan na siyang makapasok sa Orlando, Florida bubble sanhi nang mahigpit na health protocol na pinaiital.

 

 

“But like I said in the past, he’s welcome to join us and he’s part of the pool. Actually, he’s name is there,” hirit na lahad pa ng opisyal

 

 

Pinangwakas niyang tigil muna ang SBPI sa paghiram ng mga manlalaro ng Philippine Basketball Association (PBA)  Gilas para sa Asia Cup Qualifiers window three sa Subic, Zambales sa Hunyo 14-20 at sa FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Hunyo 29-Hulyo 4 sa Serbia, Belgrade, Serbia. (REC)

Other News
  • COVID-19 sa Metro Manila nasa ‘moderate risk’ na

    Kinumpirma ni Health Secretary Francisco Du­que III kahapon na naibaba na sa ‘moderate risk’ ang buong Metro Manila dahil sa patuloy na pagbaba ng mga bagong kaso ng COVID-19.     Sinabi ni Duque na ito ay dahil sa naitalang 39% COVID-19 growth rate mula Mayo 2-15 buhat sa dating 46% growth rate.     […]

  • Ads May 22, 2021

  • Deuteronomy 31:8

    The Lord will never leave you or forsake you.