South China Sea, hindi dapat na maging ‘nexus for armed conflict’- PBBM
- Published on May 12, 2023
- by @peoplesbalita
GINAMIT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagdalo nito sa 42nd ASEAN Summit para muling ipanawagan ang maagang konklusyon ng Code of Conduct (COC) sa South China Sea.
Sinabi ng Pangulo na hindi dapat maging “nexus” ang rehiyon para sa armed conflict.
Sa 42nd ASEAN Summit Retreat Session, ipinahayag ng Pangulo ang kanyang commitment sa pagpapatupad ng Declaration of the Conduct of Parties sa South China Sea (DOC).
“We will continue to urge all to abide by the 1982 UNCLOS, as ‘the constitution of the oceans.’ We must ensure that the South China Sea does not become a nexus for armed conflict,” ayon kay Pangulong Marcos.
“We must avoid the ascendance of might and the aggressive revision of the international order. In an increasingly volatile world, we require constraints on power contained by the force of the rule of law,” ang pahayag ng Chief Executive.
Sinabi pa ng Punong Ehekutibo, ang rules-based regional architecture ay dapat na underpinned ng sentralidad ng regional bloc tungo sa inclusive engagement sa Indo-Pacific region.
Kailangan lamang aniya na matatag ang Pilipinas na panindigan ang karapatan nito sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) sa kabila ng patuloy na pagtatangka na tanggihan ang sovereign rights ng bansa sa rehiyon.
Samantala, muli namang inulit ng Punong Ehekutibo ang kanyang panawagan na agarang pagpapatigil sa karahasan sa Myanmar.
Sinabi nito na dapat lamang na ipatupad ang Five-Point Consensus.
“We continue to call on Myanmar to abide by and implement the Five-Point Consensus, and for our external partners to complement ASEAN’s efforts in the context of the Five-Point Consensus,” ayon kay Pangulong Marcos.
Nag-aalala rin ang Pangulo sa tensyon sa Korean Peninsula, tinukoy nito ang pangangailangan na “to abide by prevailing UN Security Council Resolutions and to engage in dialogue with concerned parties towards the denuclearization of the Korean Peninsula.”
Pagdating sa nagpapatuloy na hostility sa pagitan ng Russia at Ukraine, hinikayat ni Pangulong Marcos ang mga nababahalang bansa na maghanap ng peaceful resolution sa nasabing labanan. (Daris Jose)
-
Talon ni Obiena kasing kinang ng ginto!
MULING ipinakita ni Ernest John Obiena ang kanyang pagiging isang elite athlete nang maglista ng bagong Philippine indoor pole vault record at angkinin ang silver medal sa World Athletics Indoor Tour Silver sa Rouen, France. Itinala ni Obiena ang 5.91 meters para burahin ang dati niyang national mark na 5.86m sa Orlen Cup […]
-
KIM, nagpaalala na huwag munang lumabas sa pagtaas ng COVID-19 cases; netizens may iba’t-ibang reaction
NAGPAALALA naman si Kim Chiu na bawal munang lumabas ng bahay sa panahon ngayon na patuloy ang pagtaas ng COVID-19 cases dahil sa omicron variant. Post ni Kim sa kanyang IG account, “How’s your first week of 2022??? “For me, some of my friends, loved ones are infected by #omicron. I hope and […]
-
De Luna nagkampeon sa Florida sidepocket 9-ball
MAY ilang ilang araw pa lang ang nakararaan nang mamayagpag sa Sunshine State Pro Am Tour 2021 Stop 2 si Jeffrey de Luna. Sinundan niya agad ng isa pang korona ang kanyang ulunan sa paghahari naman sa The Sidepocket Open 9 Ball Championship #23 Mardi Grass sa Brewlands sa North Lakeland, Florida. […]