• September 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

South Commuter Railway Project, makalilikha ng 3,000 job opportunity

SINABI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tinatayang may 3,000 job opportunity ang aasahan sa pagsisimula ng  South Commuter Railway Project (SCRP) sa  North-South Commuter Railway (NSCR) System.

 

 

Sa naging talumpati ng Pangulo sa  isinagawang contract signing ng SCRP  ng NSCR System for the Contract Packages S-01, S-03A at S-03C sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Huwebes, sinabi ni Pangulong Marcos na ang  railway project ay  “realization of a more efficient and inclusive public transportation system.”

 

 

“Now, as we hold the signing of Contract Packages S-01, S-03A, and S-03C, we continue to show  the commitment to realizing the dream of a more efficient and inclusive public transportation system that every Filipino deserves,” ayon sa Pangulo.

 

 

Binigyang diin din ng Pangulo na ang paglagda sa tatlong  contract projects, sakop ang  14.9 kilometers ng at-grade at railway viaduct structures,  ay katuparan ng layunin ng gobyerno na makapagsilbi sa  800,000 mananakay  araw-araw sa susunod na anim na taon.

 

 

“I am also happy to note that we are anticipating the generation of approximately 3,000 jobs once civil works for these sections begin,” ayon sa Pangulo.

 

 

Sa pagsasakatuparan ng  proyekto, nanawagan ang Pangulo sa lahat ng concerned agencies at ibang stakeholders na magsama o magkapit-bisig sa pagtugon sa potensiyal na hamon sa pagsisimula ng  civil works para sa  railway project.

 

 

Sa kabilang dako, kinilala naman ng Pangulo ang kalagayan ng mga  informal settler families  na maaapektuhan ng pagtatayo ng  railway system “as well as the disturbances that the construction of the NSCR system will cause.”

 

 

“So, we are continuously conscious in the national government and of course the local governments to ensure that those needing assistance are attended to,”  ayon sa Chief Executive.

 

 

“These are the inevitable consequences of these large projects, but it is something that we have to go through if we are going to complete the projects as they have been designed and we will – to be able to reap the benefits in the longer term,” aniya pa rin.

 

 

Nanawagan din ang Pangulo sa lahat ng may kinalaman sa proyekto na kompletuhin ang  “monumental task for the benefit of the generations to come,” hiniling naman niya sa mga ito  na patuloy na magpasensiya at unawain ang proyekto.

 

 

“I know that it is our collective longing to create a society that works for the people and that will open bigger opportunities for our children. So, let us all remain united in this endeavor as we pursue initiatives with the long-term end in mind,” ani Pangulong Marcos.

 

 

“We look at these contract packages with great optimism and renewed hope for our country’s future,” aniya pa rin.

 

 

Samantala, pinasalamatan naman ng Punong Ehekutibo ang katuwang pamahalaan na maisakatuparan at gawing posible ang proyekto sa pamamagitan ng  active partnership ng bansa sa Asian Development Bank (ADB) at Japan International Cooperation Agency (JICA).

 

 

“The sections covered by the contract that was signed will be completed in cooperation with the PT Adhi Karya (Persero) Tbk and PT PP (Persero) Tbk Joint Venture, the Leighton Contractors (Asia) Ltd., and the First Balfour Inc. Joint Venture,” ayon sa Malakanyang. (Daris Jose)

Other News
  • Ironman Philippines muling ibinalik matapos ang 2 taong kanselasyon dahil sa pandemya

    HALOS 2000 atleta mula sa 46 na bansa ang lumahok sa karera para sa swimming, biking at running.     Kasabay ng event, may mga naka-standby na medical station sa South Road Properties sakaling magkaroon ng emergency, habang nakadeploy naman ang mga tauhan ng Cebu City Disaster Risk Reduction and Management Office, Cebu City Transportation […]

  • Imbestigasyon ng DoJ sa “Bloody Sunday Killings” patas, masinsin at makatarungan – Sec. Roque

    TINIYAK ng Malakanyang sa publiko na magiging patas ang Department of Justice sa ginagawa nitong imbestigasyon hinggil sa marahas at sabay-sabay na raid ng Philippine National Police (PNP) sa opisina ng ilang aktibista sa rehiyon ng Calabarzon, Linggo, bagay na ikinamatay ng siyam katao.   “We are confident with that probe because no less than […]

  • Alert level 3 itinaas ng DFA sa sitwasyon sa Lebanon

    DAHIL sa patuloy na kuguluhan sa pagitan ng Israel at mga katabing bansa, itinaas na sa Alert level 3 ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang sitwasyon sa Lebanon.     Nangangahulugan ito, ayon kay DFA Undersecretary Eduardo de Vega, na maaari na ang voluntary repatriation sa mga Pinoy para maiwasan na maipit sa bakbakan […]