• April 27, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

South Korea dedesisyunan ng FIBA

DEDESISYUNAN ng International Basketball Federation (FIBA) ang ipapataw nito sa South Korea matapos itong mag-withdraw sa 2023 FIBA World Cup Qualifiers.

 

 

Pormal nang natanggap ng FIBA ang sulat ng Korea Basketball Association (KBA) bilang paliwanag sa biglaan nitong pag-withdraw sa qualifiers na ginaganap sa Smart Araneta Coliseum.

 

 

“FIBA was informed by Korea Basketball Association (KBA) of its decision not to travel to the Philippines to participate in the second window of the FIBA Basketball World Cup 2023 Asian Qualifiers,” ayon sa statement ng FIBA.

 

 

Matatandaang nagpasya ang KBA na lumiban sa qualifiers matapos magpositibo sa coronavirus di­sease (COVID-19) ang isa sa miyembro ng 12-man lineup nito.

 

 

Nakatakda sanang makaharap ng South Korea ang Gilas Pilipinas ng dalawang beses habang makakalaban din sana nito ang India at New Zealand.

 

 

Inaasahang maglalabas ng desisyon ang FIBA sa mga susunod na araw matapos ang deliberasyon nito.

 

 

Dalawa ang posibleng maging kahinatnan ng desisyon ng FIBA — ang ma-forfeit ang apat na laro ng South Korea o ire-schedule na lamang ito sa third window ng qualifiers sa Hunyo.

Other News
  • Higit 1,700 mga pasahero ng tren, nasampolan ng ‘no vaccination, no ride’

    MAHIGIT 1,700 na mga pasahero ng tren ang hindi pinayagang makasakay matapos na hindi makapagpakita ng vaccination cards ang mga ito sa unang araw ng pagpapatupad ng “no vaccination, no ride” policy sa National Capital Region (NCR).     Sa inilabas na pahayag ng Department of Transportation (DOTr), sinabi ni DOTr Undersecretary for Railways TJ […]

  • Wala pang balasahan: PBBM, susuriing mabuti ang mga miyembro ng gabinete- PBBM

    SUSURIING mabuti ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga miyembro ng kanyang gabinete sa gitna ng kumakalat na tsismis na may nakaambang na malawakang balasahan sa gabinete ng Chief Executive. “Every time kailangan namang mag-evaluate ng Pangulo eh kung ang kaniyang secretaries, Cabinet members are doing well for the government, for the people,” ang sinabi ni […]

  • Pekeng Portuguese, inaresto sa NAIA

    INARESTO ng Bureau of immigration (BI) ang isang Guinean national na tinangkang pumasok ng bansa matapos na nagkunwaring isang Portuguese.   Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang dayuhan na si Fatoumata Tanou Diallo, 38, na inaresto ng BI Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.   Si […]