• May 20, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sparring ni Pacquiao level-up na!

Mas lalong patataasin ni Hall of Famer Freddie Roach ang lebel sa training camp ni eight-division world champion Manny Pacquiao sa Wild Card Gym sa Hollywood, California.

 

 

Kabilang sa estratehiya nito ang paghamon sa lahat ng sparring mates na isasabak nito kay Pacquiao kung saan bibigyan ng mahusay na trainer ng pabuya ang sinumang makaka-knockout sa Pinoy pug.

 

 

Nangako si Roach ng $1,000 premyo sa sparring partner ni Pacquiao na makakagawa nito.

 

 

Walang alam si Pacquiao sa naturang plano ni Roach.

 

 

“Manny doesn’t know that! I’ve always kept it a secret but every sparring partner I hire, I say, ‘You knock him down, I give you a thousand bucks’. And I’ve kept a thousand in my pocket,” ani Roach sa panayam ng The Sun.

 

 

Ginawa ito ni Roach upang mas maging matindi ang sparring sessions ni Pacquiao dahil nais nitong maihanda ng lubos ang kanyang bata para sa laban.

 

 

Nakatakdang harapin ni Pacquiao si reigning World Boxing Council (WBC) at International Boxing Fe­deration (IBF) welterweight champion Errol Spence Jr. sa Agosto 21 (Agosto 22 sa Maynila) sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada.

 

 

“I am just so damn proud of Manny for picking Errol Spence for this fight. It’s a real fight and what a great example to set. You want respect? You want to establish a legacy? Look at what Manny and Spence will be doing on August 21. It’s the type of fight that returns boxing to the front page,” ani Roach.

 

 

Alam ni Pacquiao na hindi biro ang labang haharapin nito.

 

 

Itinuturing nitong bakbakan ng pinakamahuhusay sa mundo ang Pacquiao-Spence fight.

 

 

“My fight with Errol Spence is not just a battle between the two best welterweights but between two of the best fighters. There is no ‘B-side’ in this fight. I have just as much to prove in this fight as Errol does,” ani Pacquiao.

 

 

Kaya naman nangako si Pacquiao na asahan na ang matinding bakbakan sa oras na magkrus ang kanilang landas.

 

 

“We are going to bring out the best in each other. It is the type of fight that makes boxing so great,” ani Pacquiao.

Other News
  • Solon sa commercials, manufacturing firms: Kolektahin at i-recycle ang plastic

    UPANG mabawasan ang plastic pollution sa bansa, isinusulong ng isang mambabatas na gawing mandato para sa mga commercial establishments at manufacturing firms na siyang mag-recover, kolektahin, i-recycle at i-dispose ang plastic waste at non-biodegradable materials.   Kapag naisabatasm ire-require ng House Bill 6180 na inihain ni Baguio City Rep. Mark Go ang mga commercial establishments […]

  • Marcos, Xi pinag-usapan ang relasyon, regional dev’t

    PINAG-USAPAN nina Chinese President Xi Jinping at presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., “over the phone” ang relasyon ng dalawang bansa at developments at progreso sa rehiyon.     Sa nasabing telephone conversation, sinabi ni Xi na ang dalawang bansa ay dapat na “grasp the general trend, write a grand story on the China-Philippines friendship […]

  • 2 WALANG FACE MASK KULONG SA P126K SHABU SA CALOOCAN

    BAGSAK sa kalaboso ang dalawang lalaki matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyon halaga ng shabu makaraang masita ng mga pulis dahil walang suot na face mask sa Caloocan City.     Kinilala ni Caloocan police chief Samuel Mina Jr, ang naarestong mga suspek na sina Richard Cenon alyas “Empoy”, 46, at Emar Villanueva, 44, pintor, kapwa […]