Speaker Ferdinand Martin Romualdez, ikinalugod ang ginawang pagkilala ng Google Maps sa of the West Philippine Sea
- Published on April 16, 2025
- by @peoplesbalita
IKINALUGOD ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang ginawang pagkilala ng Google Maps sa of the West Philippine Sea label, na tinawag nitong isang ‘strong affirmation’ sa sovereign rights ng Pilipinas at lumalaking global support sa maritime claims ng bansa dito. “The proper and consistent labeling of the West Philippine Sea on the widely used platform Google Maps is welcome news for every Filipino. This simple yet powerful update reflects the growing global acknowledgment of the Philippines’ sovereign rights over the maritime areas within our Exclusive Economic Zone (EEZ),” ani Romualdez. Sinabi pa ng Speaker na ang ginawang pagkilala ay lumilinya sa matagal ng posisyon ng Pilipinas matapos ang 2016 Hague ruling, na kumikilala sa legal claim ng bansa sa international law. “This reinforces what we have long asserted: that these waters are part of the Philippines’ territory, and all must respect our sovereign rights,” pahayag nito. Idinagdag ni Romualdez na ang ginawang recognition ay hindi lamang isang technical o cartographic correction kundi geopolitical milestone. Para sa karamihan ng sambayanang Pilipino, hindi lamang ito pangalan sa screen kundi sumisimbolo at moral victory, sa ipinaglalaban ng bansa. “Ang paglalagay ng West Philippine Sea sa pangunahing mapa ay isang makasaysayang pagkilala sa ating karapatan at soberanya. Ipinapakita nito na sa mata ng mundo, may saysay at bigat ang ating paninindigan—isang paninindigang nakaugat sa batas, katarungan, at pandaigdigang kaayusan,” pagtatapos nito. (Vina de Guzman)
https://dzar1026.ph/wp-content/uploads/2024/05/namataan-sa-eez.jpg
-
Kumita agad ng P85M at pinalabas sa 1,000 cinemas worldwide: ‘Hello, Love, Again’ nina sa ALDEN at KATHRYN, nakuha ang highest opening gross for a local film
NAKAPAGTALA ng highest opening gross for a local film ang Hello, Love, Again, ang reunion movie nina Alden Richards at Kathryn Bernardo mula sa Star Cinema, ABS-CBN Studios at GMA Pictures. Nagbukas ito last November 13, na sinimulan sa midnight screening (75 cinemas) at umabot ng 656 na sinehan ang ordinary screenings nationwide at […]
-
THIA, tuluyan nang iniwan ang mundo ng pageantry at nag-concentrate na lang sa showbiz
EXCITED na at masayang-masaya ang mga fans nina Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera, sa announcement ng GMA Network na ibabalik ang drama series na Endless Love, ang Korean drama adaptation ng Autumn in My Heart. Unang ipinalabas sa GMA-7 ang Endless Love noong 2010 na dinirek nina […]
-
Henry Cavill Confirms Reprising His Role As The Man of Steel
SUPERMAN is back! British actor Henry Cavill has officially confirmed that he will be returning to the role of Clark Kent, also known as Superman, in the DC Comics’ extended cinematic universe (DCEU). In a social media post, Cavill announced that he will be donning the iconic suit and cape once more. This […]