• January 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Speaker Ferdinand Martin Romualdez pinuri ang gobyerno ng Timor-Leste sa pagbasura sa kahilingan ni Teves

PINURI  ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang gobyerno ng Timor-Leste sa pagbasura nito sa kahilingan ni Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr. na political asylum sa nasabing bansa.

 

 

Sa pagtanggi na ito ng naturang bansa, muling nanawagan ang speaker kay Teves na umuwi na ng Pilipinas, ayusin ang kanyang suspensiyon sa Kamara at harapin ang kasong kinakaharap kaugnay sa pamamaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo nitong nakaliaps na Marso.

 

 

“Sana naman umuwi na si Cong. Arnie Teves para magiging moot na ‘yung suspension at gusto talaga nating bumalik siya at humarap talaga sa mga charges sa kanya,” ani Romualdez.

 

 

Inihayag pa ni Romualdez na baka may panibagong rekomendasyon na parusa na ibigay ang House Committee on Ethics kung hindi pa rin umuwi ng bansa si Teves.

 

 

Kasalukuyang nasa Indonesia ang lider ng kamara bilang bahagi na rin ng delegasyon ni Pangulong Bongbong Marcos sa isinasagawang summit ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Ang Timor-Leste ay isang observer country sa ASEAN.

 

 

Matatandang sinuspinde ng Kamara si Teves ng 60 araw matapos mabigong umuwi ng Pilipinas at harapin ang Ethics Committee sa kabila na expire na ang kanyang travel authority.

 

 

Dahil suspendido ang mambabatas ay wala na umano itong rights o mga privileges sa Kongreso.

 

 

“The rights, privileges and immunities of a congressman are for the discharge of the legislative functions that he has, to make sure that he can perform as a legislator in the service of his constituents. Those rights, those privileges and those immunities are not meant for congressmen to use it to evade or to avoid justice,” pagtatapos ni Romualdez. (Ara Romero)

Other News
  • Tulong sa mga sibilyang nadamay sa pagbagsak ng C-130 tiniyak ng PAF

    Tiniyak ng Philippine Air Force (PAF) ang tulong para sa mga sibilyan na nadamay sa pagbagsak ng C-130 aircraft kabilang ang isang 13-anyos na lalaki, isang buntis at dalawang sibilyan na kasalukuyang ginagamot sa hospital.     Nabatid na personal na pinuntahan at pinasalamatan ni PAF Wing Commander, Tactical Operations Wing Western Mindanao na si […]

  • Ads January 7, 2025

  • Pinalakas pa ng Navotas City Hospital (NCH) ang kapasidad nitong magbigay ng libreng dialysis treatment

    PARA mapalakas pa ang serbisyo sa mga nangangailangang pasyente, pinalakas pa ng Navotas City Hospital (NCH) ang kapasidad nitong magbigay ng libreng dialysis treatment, kasunod ng pagbabasbas ng walong bagong hemodialysis machine sa pangunguna ni Mayor John Rey Tiangco, kasama si Vice Mayor Tito Sanchez at ang mga konsehal ng lungsod. (Richard Mesa)