• April 27, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Speaker Romualdez, DSWD, lokal na opisyal namahagi ng P140-M cash aid sa 30K Davaoeños

NAGKAKAHALAGA ng P139.81 milyon ang cash assistance na naipamahagi sa 29,906 benepisyaryo sa Davao City, Davao de Oro at Davao del Norte sa apat na araw na payout ng Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program (AKAP), isang flagship welfare program ni Pangulong Bongbong Marcos.

 

 

Ang pamimigay ng ayuda ay pinangunahan ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at mga lokal na opisyal. Isinagawa ang payout mula Oktobre 18 hanggang 21.

 

 

Si dating Civil Service Commission chair Karlo Nograles ang namigay ng ayuda sa Davao City noong Lunes kung saan kabuuang P14.5 milyon ang ipinamahagi sa 4,859 benepisyaryo.

 

 

Iginiit ni Speaker Romualdez na ang pamimigay ng ayuda ay isang patunay sa pangako ni Pangulong Marcos na hindi papabayaan ang kapakanan ng mga Davaoeños.

 

 

Ayon kay House Deputy Secretary General Sofonias Gabonada Jr., ang apat na araw na event ay naglalayong tulungan ang mga marginalized sector partikular ang mga mahihirap na komunidad.

 

 

Sinabi ni Gabonada na ginanap ang pamimigay ng ayuda sa Davao del Norte noong Oktobre 18 kung saan kabuuang P48.625 milyon ang ipinamahagi sa 9,725 benepisyaryo na nakatanggap ng tig-P5,000.

 

 

Kasama sa mga benepisyaryo ang mga guro, non-teaching school personnel, empleyado ng mall, staff ng pribadong ospital, at mga residenteng maliit ang kita.

 

 

Ang mga lokal na opisyal gaya nina Vice Gov. Oyo Uy at Rep, Alan Dujali ay mayroong malaking papel sa pamimigay ng tulong pinansyal.

 

 

Noong Oktobre 19 at 20 ay namigay naman ng tig-P5,000 o kabuuang P76.610 milyon sa 15,322 benepisyaryo sa Davao de Oro. Kasama sa mga natulungan ay mga barangay workers, school personnel, at mga empleyadong maliit ang kita.

 

 

Kasama rin sa tinulungan ang mga mahihirap na estudyante sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS).

 

 

Sina Rep. Maricar Zamora, Councilor Myrill Apit of Mawab, Vice Mayor Honeyboy Libuangan ng Laak, at mga lider ng komunidad sa Maco, Mabini at Nabunturan ay tumulong upang maging matagumpay ang pamimigay ng ayuda.

 

 

Noong Oktobre 21, isinagawa naman ang payout sa Davao City kung saan P14,577,000 halaga ng cash aid ang ipinamahagi sa 4,859 benepisyaryo. Ang bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng P3,000.

 

 

Kinilala ni Speaker Romualdez ang mga opisyal ng gobyerno nasyunal at mga lokal na pamahalaan sa tagumpay ng pamimigay ng AKAP.

 

 

Nagpasalamat naman si Nograles sa national government sa pagtulong sa mga Davaoeños.

 

 

Tiniyak ni Speaker Romualdez na patuloy pang palalawigin ang tulong na inihahatid ng gobyerno sa mga nangangailangang Pilipino upang matulungang makabangon ang mga ito. (Vina de Guzman)

Other News
  • Sa ISTAF indoor meet Obiena target ang podium finish

    MANILA, Philippines — Sasabak si national pole vaulter Ernest John Obiena sa kanyang kauna-unahang international tournament ngayong taon.     Dumating na ang Tokyo Olympian sa Berlin, Germany para sa paglahok niya sa Istaf Indoor competition bagama’t kagagaling lamang niya sa isang knee surgery noong nakaraang buwan.     “There was a slight delay in […]

  • Omicron magiging dominant variant sa loob ng 3-4 linggo

    Inaasahan na magiging dominanteng variant ng COVID-19 sa Pilipinas ang Omicron variant sa susunod na tatlo o apat na linggo.     Ayon kay DOH Undersecretary at treatment czar Leopoldo Vega, nananatiling dominanteng variant pa rin ang Delta ngunit maaaring agad na malagpasan ito ng Omicron dahil sa ulat ng bilis ng ‘incubation’ nito at […]

  • KELLEY, itinanggi na buntis at ‘third party’ sa rumored breakup nina TOM at CARLA

    ITINANGGI ng 1st runner-up ng 2021 Miss Eco International na si Kelley Day na siya ang third party sa rumored breakup ng mag-asawang Tom Rodriguez at Carla Abellana.     Last Thursday, sa kanyang Instagram story nilinaw ng actress at beauty queen na walang katotohanan ang umiikot na tsismis at blind item.     Panimula […]